Advertisers

Advertisers

13-anyos na Pinay gagawing santo – CBCP

0 163

Advertisers

MAY posibilidad ng maging santo ang isang 13-anyos na dalagang Pilipino matapos ang pag-apruba ng mga obispo sa isang episcopal conference sa Diocese of Kalibo, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Si Niña Ruiz-Abad, namatay sa edad na 13 dahil sa sakit sa puso noong 1993, ay nagpakita ng matinding debosyon sa Eukaristiya, sabi ng CBCP.

Namahagi din siya ng mga rosaryo, Bibliya, mga aklat ng panalangin, mga banal na imahen, at iba pang mga bagay sa relihiyon.



“Sa kanyang panahon, hindi pangkaraniwan na ang isang batang babae ay nakagawa ng mga bagay para mag-ebanghelyo sa iba,” ayon kay Bishop Renato Mayugba ng Laoag.

Si Mayugba ang humiling sa mga obispo na buksan ang layunin ng pagiging santo ni Abad.

“Niña’s life was a prayerful life full of reverence, worship and intimate relationship with God, Jesus Christ, the Holy Spirit and to the Blessed Virgin Mary,” dagdag pa ni Mayugba.

Sa pag-apruba ng mga obispo, magsisimula ang pormal na pagsisiyasat sa kanyang buhay. Ang mga unang yugto ay sumasaklaw sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa kandidato at pakikipanayam sa mga saksi na nakakakilala kay Abad.

Sinabi ng CBCP na maaaring tumagal ng maraming taon bago ang posibleng desisyon mula sa Roma tungkol sa beatification at canonization ni Abad.



Si Abad ay ipinanganak at lumaki sa Quezon City ngunit lumipat ang kanyang pamilya sa Sarrat, Ilocos Norte Abril 1988.

Nagtapos siya ng elementarya sa Mariano Marcos State University Laboratory School, sabi ng CBCP.

Agosto 16, 1993, inatake siya sa puso habang nasa paaralan at isinugod sa ospital pero binawian ng buhay.

Ang mga labi ni Abad ay inilagak sa isang pampublikong sementeryo sa Sarrat, ayon sa CBCP. (Jocelyn Domenden)