Advertisers
KULONG ang isang binata nang mabisto ang dalang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu nang maaresto sa ilegal na sugal sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresto na si Ariel Testado, 21, ng 1671 Gumamela Street, Malaria Tala, Brgy. 185.
Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagsasagawa ng foot patrol bilang parte ng Simultaneous Anti-criminality Law Enforcement Operations (Sacleo) ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 13 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Artemio Cinco Jr sa Phase 7C, Bagong Silang, Brgy. 176 nang mapansin nila ang suspek na nagpapataya ng ilegal na sugal na “ending”, -11:20 ng gabi.
Dinakip ang suspek, kasama si Alvin Amatorio, 22, (bettor) at nang kapkapan nakuha kay Testado ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 25 grams ng shabu na may standard drug price value na P170,000, ending card, ballpen, sling bag at P2,500 bet money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9287 (Illegal Number Game) habang karagdagang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ni Testado.(Beth Samson)