Advertisers

Advertisers

32 CCTV CAMERA AT PUBLIC ADDRESS SPEAKERS, INILATAG SA BUONG BLUMENTRITT SA MAYNILA

0 286

Advertisers

MAGSISILBING mata at bibig ng Manila Police District (MPD) ang 32-CCTV camera at siyam na public address speaker na inilagay sa buong area ng Blumentritt upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, pagpapanatili ng health protocols, at pagbibigay seguridad sa mga nagpupunta partikular na ang mga mamimili sa nasabing lugar.

Ang mga nasabing CCTV camera at public address speakers ay inihandog ng Manila Chinese and Action Team (MCAT) na binubuo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese na nagbibigay suporta sa kapulisan at sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ayon sa tagapagsalita ng MCAT na si Dr. Robert Sy, magpupulong ang kanilang samahan upang pag-usapan ang susunod nilang proyekto kung saan nais nilang isunod na lagyan ng mga CCTV camera at public address speakers ang are ng Plaza Miranda na nasa Quiapo Church.



Nagpasalamat naman si MPD-Station 3 Commander Lt.Col. John Guiagui sa MCAT sa walang sawang pagtulong at pagbibigay suporta sa kapulisan kung saan malaking tulong ito sa kanilang hanay lalo na sa pagpapatupad ng “peace and order”.

Ayon naman kay MPD-Blumentritt Police Community Precinct (PCP) Commander P/Maj. Rocky Quiballo Desear, ikinabit ang mga nasabing CCTV camera sa kahabaan ng Blumentritt gayundin sa kanto ng Oroquieta St., Felix Huertas St., P. Guevarra St., hanggang Aurora Boulevard. Ang public address speakers naman ay maaaring marinig mula sa Rizal Avenue hanggang Aurora Blvd. (Bong Son)