Advertisers
INARESTO ng mga awtoridad ang isang mister at isang babae na nahuling magkasama sa isang motel sa Mandaue City, Cebu. Ang nagsumbong sa mga pulis, ang misis ni mister.
Sa ulat, naaresto ang 51-anyos na mister at 58-anyos na kasama nitong babae nitong Linggo.
Bago ito, isang babae na 50-anyos na nagpakilalang misis ng lalaki ang nagreklamo sa pulisya tungkol sa kaniyang mister na nag-check in sa motel kasama ang kalaguyo nito.
Ayon sa awtoridad, sinubaybayan ng misis ang kaniyang mister hanggang sa makita niya itong pumasok sa motel at doon na nagsumbong sa pulisya para ipaaresto ang magkalaguyo.
Aminado naman ang babae tungkol sa relasyon nila ng lalaki athanda na raw siyang putulin ito.
Mahaharap ang dalawa sa reklamong ‘concubinage’.