Advertisers

Advertisers

‘Floating community pantry’ sa Bulacan

0 146

Advertisers

“BAYANIHAN ang kailangan sa gitna ng kalamidad! ”

Isang “floating community pantry” ang isinagawa ng Sangguniang Kabataan sa isang barangay sa City of Malolos, Bulacan sa gitna ng bahang dulot ng nagdaang bagyo at ng habagat.

Sa Facebook post ng SK chairman ng Brgy. Longos, City of Malolos na si Miel Agustin, 24, ibinahagi niya ang ilan nilang larawan kasama ang isang bangkang puno ng mga gulay at iba pang pagkain sa gitna ng mataas parin na baha.

“Sawa na ba sa delata at paulit ulit na ulam? Kumuha batay sa pangangailangan, magbigay ayon sa kakayahan,” ani Agustin sa kaniyang post.

“In this moment of time, sobrang hirap bumili ng pangangailan. Oras na para ipagpatuloy ang nakasanayan. Bayanihan ang kailangan sa gitna ng kalamidad!,” dagdag pa niya.

Ibinahagi ni Agustin na kasagsagan pa lamang ng Covid-19 pandemic nang una silang magsagawa ng kanilang community pantry.

Ngunit dahil baha ngayon sa kanilang lugar, naisip nila ang “floating” community pantry upang mas madali mag-ikot at ipaabot ang tulong sa mga kababayan nilang hindi makalabas ng bahay.

“Right now naisip namin if sa paanong paraan namin mas maabot ‘yung mga tao. Kaya inikot namin siya sa buong village,” ani Agustin.

Nagsimula silang mag-ikot noong Miyerkules, Agosto 2, kasama ang kanilang bangka na may lamang mga gulay, isda, manok, condiments, itlog, asukal, at iba pa.