Advertisers

Advertisers

Kawatan nahulog sa 3rd floor ng condo, lasog!

0 171

Advertisers

NASAWI ang isang lalaki na umano’y balak magnakaw nang mahulog ito mula sa ikatlong palapag ng isang condominium sa Atimonan, Quezon, Huwebes ng gabi.

Pumanaw nitong Biyernes ang 29-anyos na suspek na si Clifford, ng Barangay Angeles sa nasabing bayan.

Sa report ng Atimonan Police, nakaakyat ang suspek sa 3rd floor ng Bethel Condo 3 sa pamamagitan ng hagdan ng fire exit at winasak ang aluminum door sa roof top.



Subali’t ayon sa nakatira sa 3rd floor, nang marinig nila ang pagbukas ng aluminum door, sinundan ito ng paglagabog sa ground floor.

Aksidente palang nahulog ang lalaki sa 32 ft na taas at bumagsak sa kalsada sa harap ng gusali.



Isinugod pa sa ospital ang suspek nguni’t binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa grabeng tinamong pinsala sa kanyang ulo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">