Advertisers

Advertisers

ISA PANG MOTORBANCA LUMUBOG SA ROMBLON: 1 NASAWI!

0 135

Advertisers

ISA ang nasawi sa pagkalubog (na naman) ng isang motorbanca sa Tablas strait, Romblon, Sabado ng tanghali.

Ang motorbanca, MBCA King Sto Nino 7, ay lumubog sa karagatang bahagi ng Corcuera island, Romblon matapos umanong makabangga ng matigas na bagay sa laot pasado 12:00 ng tanghali.

Ang bangka ay galing sa bayan ng Calatrava, Tablas island at may sakay umanong 95 pasahero ayon sa report ng Philippine Coast Guard. Pero sa ulat ni Corcuera Mayor Elmer Fruelda at ng Romblon Police Provincial Office, 111 ang sakay ng bangka.



Ayon sa PCG, 90 ang pasahero at 5 ang crew ng lumubog na bangka na may kapasidad na 96.

Umalis ang bangka sa pantalan ng Calatrava 11:00 ng umaga. Nakatanggap ng distress call ang PCG 12:30 ng tanghali. Nasa bahagi na ito ng karagatan ng Corcuera (dating Simara).



Ang Habagat ay malakas sa pagitan ng Calatrava at Corcuera, bukod pa sa malalaki ang alon at malakas ang current sa lugar.

Agad namang nakapasagawa ng search and rescue operations ang mga tauhan ng PCG ang iba pang volunteers at rescuers mula sa Provincial Gov’t at MDRRMO ng Corcuera.



Nailigtas ang 89 pasahero kabilang na rito ang 10 bata, maging ang 5 crew ng bangka. Isa ang nasawi dahil sa atake sa puso.

Humingi naman ng pasensiya ang anak ng may-ari ng MBCA King Sto Nino 7 na si Karl Moreno, na nangakong magbibigay ng tulong sa mga pasahero lalo na sa namatayan. Itinanggi rin niya na luma na ang kanilang bangka.

Aniya, hindi bibigyan ng permit ng MARINA ang kanilang bangka kung kuma na ito.

Ininspeksyon din, aniya, ng coast guards ang bangka bago umalis ng Calatrava.

Kamakailan lang ay magkasunod ding lumubog ang motorbanca sa Binangonan, Rizal kung saan 27 ang nasawi; at sa San Antonio, Northern Samar kungsaan 60 pasahero ang nailigtas.

Ang trahedya sa Binangonan ay sanhi ng overload, kungsaan ang kapasidad lamang ng bangka ay 45 pero nagsakay ng mahigit 70 at ang nakalagay sa manifesto ay 22.

Ang aksidente naman sa Northern Samar ay nabutas ang bangka dahil may nahulog daw na matigas na bagay.(Jocelyn Domenden)