Advertisers

Advertisers

Pekeng abogado timbog sa court hearing

0 197

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki na nagpapanggap na abogado habang dumadalo sa isang pagdinig sa korte sa Nueva Ecija.

Ang pekeng abogado ay nabuking na ginagamit ang pangalan ng isang abogado na matagal nang patay na kakilala ng hukom na may hawak ng kaniyang kaso.

Ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mismong nagpaaresto sa pekeng abogado na gumagamit sa pangalang “Attorney Elias Estrella,” na matagal nang namayapa.



“Hindi siya abogado. Yung in-assume niya ay patay na as evidenced by a death certificate na submitted to us. Personal palang kilala ni Judge ‘yung patay na abogado at ni Atty. Dick Fernandez ng IBP,” ayon kay Dom Villanueva, chief agent ng National Bureau of Investigation-Cabanatuan.

Nakuha rin sa pekeng abogado ang driver’s license at iba pang ID na gamit ang pangalang “Atty. Estrella.”



Dahil dito, susuriin ang mga kasong hinawakan ng pekeng abogado, na mahaharap sa mga reklamong ‘usurpation of authority’, ‘falsification of public documents’, at ‘identity theft’.

Nakakulong na ito sa National Bilibid Prison kungsaan pansamantalang dinadala ang mga huli ng NBI habang ginagawa pa ang jail facility ng bureau.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">