Advertisers

Advertisers

8 pulis sangkot sa ‘Jemboy Baltazar death’ sibak na sa serbisyo

0 207

Advertisers

INAPRUBAHAN na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakatanggal sa serbisyo ng walong pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar.



Ang pagsibak sa walong pulis, pawang mula sa Navotas City, ay inirekomenda ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) kasunod ng masusing imbestigasyon.

Si Baltazar, 17 anyos, ay pinatay noong Agosto 2 habang patungo sa pangingisda nang pagbabarilin ng mga pulis ng Navotas City na tumutugis sa isang suspek sa pamamaril sa Barangay NBBS Kaunlaran.