Advertisers
Naglaro kami ng Top Of Mind game ni dating Bise-Presidente Leni Gerona Robredo noong 10th anniversary ng OKS@DWBL nitong Lunes.
Nagbanggit tayo ng sa,pung kategorya kay LGR at sasagutin niya ng unang maisip niya. Binigyan lang natin siya ng isang minuto.
Pagdating sa tanong na sports personality ay agad niyang tugon ay Robert Jaworski.
Ang Living Legend ang pinakasikat na basketbolista nang mahilig ang Bicolana sa panonood ng basketball noong 80s. Hanggang sa nagpamilya na sila ni Jesse noong sumunod na dekada ay si Jawo pa rin pinakapopular na personalidad dahil sa husay at charisma nito.
Sa naturang panayam natin sa ina nina Aika, Tricia at Jillian ay nagkomento rin siya sa performance ng Gilas sa kakatapos na World Cup.
“Maraming feeling at masasabi sa partisipasyon natin sa torneo ng FIBA na tayo pa ang host. Pero at the end of the day kailangan batid natin ang resources at sakripisyo na kailangan para tayo magtagumpay. Lahat ng stakeholder need mag-ambag sa pambansang koponan upang hindi tayo maiwan ng progress ng ibang bansa sa paborito nating laro,” wika ng ating espesyal na bisita sa programang hatid ng Biofresh.
***
Malaki pananagutan ng Samahan ng Basketball ng Pilipinas kung bakit nagkaproblema tayo sa line-up sa Asian Games.
Ang listahang una ay 60 na mga pangalan ng player. Tapos naging 37 na lang. Nguni’y ayon sa dokumento na parang hindi pinag-aralan ay may mga pangalan doon na may typo error o kaya halos imposible makasali sa kopona. Isa diyan ang Atlanta Hawk na si Onyeka Okongwu.
Wrong spelling na sa natural papel at hindi naman naturalized citizen ng Pinas.
Yan ang pinadala sa Organizing Committee.
Kaso wala pala rito 4 na gusto ni Coach Tim Cone sa ginawa niyang final 12. Ipinalalabas nila na hindi symphatetic ang HAGOC sa atin.
Kaya pala ayaw na ng mga tagapangasiwa ng Hangzhou na palaro na magdagdag pa ng iba. Sobra-sobra na nga naman ang 37 upang makabuo ng 12.
Sus ginoo! Tayo talaga malinaw na may kasalanan. May pamalit palang nasa talaan nguni’t hindi na rin maaari dahil sa iba’t ibang sitwasyon ng mga cager. May mga injury at iba naman sa overseas ang kontrata. Yung ilan ay hilaw pa kasi bata pa para sa men’s team.
SBP, huwag na isisi sa iba. Aminin! Na-set yata si Tim Cone. Pero teka trabaho yan ng team manager, di ba? Dapat naipaliwanag ng husto kay Coach Tim yan umpisa pa lang.
***
Sa maagang contract extension at sa laki ng bagong sahod ni Jared Vanderbilt sa LA Lakers ay talagang lumabas na hindi prayoridad si Dennis Schroder sa purple and gold.
Higit na binigyan ng tunay na pagpapahalaga sina Rui Hachimura, Austin Reaves pati si Gabe Vincent.
Naliitan siguro si Rob Pelinka sa German bilang isa sa guard nila. Oo lahit mas inasahan pa siya ni Coach Darvin Ham sa playoffs kay sa na-renew na si D’Angelo Russell. Sayang na sayang.