Advertisers

Advertisers

2 tulak timbog sa Navotas drug bust

0 36

Advertisers

Kulong ang dalawang drug personalities nang bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police Chief P/Col. Mario Cortes ang mga naarestong suspek sina alyas “Rocky Buang”, 44, at alyas “Bugoy”, 30, kapwa ng Barangay NBBS Proper.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta ng shabu ni alyas Rocky Buang kaya isinailalim nila ito sa validation.



Nang makumpirma ang ulat, kaagad nagsagawa ang SDEU ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek nang bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer 11:30 ng gabi sa Tanigue Extn., Brgy. NBBS.

Ayon kay SDEU chief P/Cpt. Genere Sanchez, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.6 grams ng shabu na may standard drug price value na P72,080.00, at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)