Advertisers
INIREKOMANDA ng Philippine National Police –Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagsibak sa isang pulis na nakabaril-patay sa 15anyos na si John Francis Ompad sa Rodriguez, Rizal noong August 20, 2023
Ayon kay IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, naisumite na ang kanilang rekomendasyon sa Police Regional Office 4 A sa pagsibak sa serbisyo kay Corporal Arnulfo Sabillo, 37, nakatalaga sa Rodriguez Police Station noong Sept. 15, 2023.
Base sa imbestigasyon, sinabi ni Triambulo na guilty sa 2 counts ng grave misconduct and conduct of unbecoming of police officer si Sabillo.
Magugunita na sinita ni Sabillo at sibilyan na si Jeffrey Baguio ang kapatid ng biktima na si John Arce na nakamotorsiklo habang papauwi ng kanilang bahay sa isang checkpoint.
Sa takot ni Jonh Arce, dahil nakasibilyan ang nasabing pulis, pinatakbo ang mimamanehong motorsiklo patungo sa kanilang bahay, dahilan upang habulin ito ng nasabing pulis at kasama.
Nang malapit na sa bahay si Joh Arce, pinaputukan ito ni Sabillo na saktong lumabas ng bahay ang kapatid nito na si Jonh Francis at tinamaan ng bala sa katawan.
Binawian ng buhay ang biktima habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Memorial Medical Center sa Quezon City sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Sinampahan si Sabillo at Baguio ng kasong Homicide at Attempted Homicide nang arestuhin ng mga otoridad. Habang ini-relief lahat ng miyembro ng Community Police Assistant Center 5 ng Rodriguez Police Station habang isinasagawa ang imbestigasyon sa nasabing insidente. (Mark Obleada)