Advertisers

Advertisers

Lani ‘di sinukuan si Bong kahit chickboy

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ni Morly Alinio, naikuwento ni Lani Mercado ang masalimuot na pinagdaanan ng relasyon nila ni Senador Bong Revilla.
Nabuntis daw kasi siya noon ng action superstar sa murang edad.
Naisip daw nila noon na itago ang kanyang pagbubuntis sa kanilang panganay na si Bryan kaya naman namalagi siya sa Amerika.
May karera raw kasing pinangangalagaan noon ang Titanic action star at box office king.
Pero may mga nagpayo raw sa kanila na hindi na dapat itago pa ang kanilang relasyon.
Marami rin daw na ‘ups and downs’ ang kanilang naging pagsasama.
Aminado naman ang Cavite congresswoman na may reputasyon bilang chickboy ang kanyang mister.
Bukod sa karisma, lapitin daw talaga ng mga babae ang butihing senador lalo pa’t nasa showbiz ito.
Hindi rin daw naman santo ang kanyang kabiyak para hindi maligaw paminsan-minsan.
Katunayan, muntik na raw niyang sinukuan o hiniwalayan si Senador Bong.
Pinagsabihan pa nga raw siya ng tatay niya na kung iiwan niya ang mister ay siguraduhin nitong huwag nang balikan pa ang huli.
Gayunpaman, pinili raw niyang mag-stick sa kanilang relasyon dahil mahal niya ang actor at public servant.
Natanggap daw niya ang imperfections nito, nakapagpatawad siya at nakita raw niya ang mga magagandang katangian nito bilang isang mapagkandiling ama sa kanyang mga anak.
Pagbabalik-tanaw pa niya, malaking dagok din daw sa kanyang pamilya nang makulong ang asawa dahil sa pagkakasangkot nito sa pork barrel scandal.
Mula raw sa pagiging most loved, naging most hated person ang senador.
Iniwan daw ito hindi lang ng mga kaibigan kundi nawalan din ng trabaho dahil pati advertisers ay iniiwasan ang show nito.
Noon daw nila na-realize ang kahalagahan ng pamilya higit sa lahat dahil ang mga ito raw ang kinapitan nila sa panahon ng kanilang pagsubok.
Nang mapawalang-sala raw naman si Bong ng korte, na-vindicate ang actor-politician.
Muli raw itong pinagkatiwalaan ng producers, nagbalik ang advertisers at muling namayagpag sa ratings ang shows.
Sa loob ng ilang dekada ng kanilang pagsasama, feeling blessed naman ang mag-asawa dahil na-secure nila ang future ng kanilang mga anak na ang iba ay nasa larangan ng pulitika, pag-aabogasya at medisina.