Advertisers

Advertisers

2 katao natagpuan patay sa condo sa Maynila

0 23

Advertisers

MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang insidente ng sabayang pagkamatay ng dalawang indibidwal sa isang condominium sa Tondo, Maynila, Linggo ng gabi.
Kinilala sa pangalang Jovanie Alsa ang isa sa biktima, habang ang isa pa ay inaalam pa ang pagkakilanlan.
Sa inisyal na ulat ng MPD, nadiskubre ang insidente 9:00 ng gabi kungsaan ang isang lalaki ay natagpuan sa ground floor ng Building 2 ng Urban Deca Homes, Barangay 94,Tondo.
Habang ang isa ay nadiskubre sa ikawalong palapag ng naturang gusali .
Sa salaysay ng nakasaksi sa pangyayari, pabalik na sila sa kanilang unit nang makarinig ng mga nagsisigawan at narinig ang salitang “Tulong! Tulong” sa loob ng unit 872.
Agad naman silang tumawag ng tulong sa naka-duty na guard, at kinatok ang pinto ng nasabing unit nguni’t walang sumasagot.
Kalaunan, nakita ang isang lalaki na tumatakbo sa hallway na duguang hubot-hubad at bumagsak. May matinding tama ito sa ulo na umano’y pinokpok.
Habang inaalam pa ng mga awtoridad kung tumalon o itinulak ang biktima ng si Alsa sa hindi parin malaman kung anong palapag ng gusali ito nagmula. (Jocelyn Domenden)