Advertisers

Advertisers

6 opisyal ng RSU sinipa sa dagdag P500 rental ng police trainees

0 4

Advertisers

INALIS sa puwesto ang anim na opisyal ng Regional Special Training Unit (RSTU) ng Police Regional Office Cordilera Autonomous Region (PRO-COR) kaugnay ng kickback sa pamamagitan ng pagdagdag ng P500 rental sa “billeting” ng bawat trainee.
Ayon kay Brigadier General Rolindo Sugilon, direktor ng PNP Training Service, ang pag-alis sa puwesto sa anim na opiysal ay upang bigyan-daan ang isinagawang imbestigasyon kaugnay ng ‘diumano’y “barrack rental kickback” scheme matapos mag-viral sa social media ang pagdaragdag ng P500 rental kada buwan ng mga trainee na sumasailaim sa 6-month field training programs immersion phase ng police trainees.
Itinalaga ang anim na mga opisyal sa Administrative and Record Management Division – Personnel Holding and Accounting Unit.
Sinabi ni Suguilon na batay sa rekord ang huling field training program natapos ng December 15, 2025. Simula Dec. 16 hanggang ngayon ay wala umanong FTP, kaya’t patuloy ang isinagawang imbestigasyon upang matukoy kung may nangyayari ba talaga o alegasyon lang ito.
“Base sa policy natin ‘yung billeting kasi ang mga FTP natin na mag-undergo ng OJT iti-turnover natin yan sa mga chief of police designated as field training coordinator. Ngayon ang COP is based on the policy magpo-provide siya ng billeting and for boarding houses, tutulungan nila ‘yung estudyante na naghahanap ng boarding houses kasi ang nangyayari sa isang police station maraming estudyante ang papasok, and for sure ang police station is hindi kaya mag-accommodate. So the trainees opted to rent their own kasi walang matitirarhan na iba and knowing also na 8 am to 5 pm lang yung duty nila, and after that naka-isolate na sila sa billeting areas,” paliwanag ni Suguuilon.
Isinaad ni Suguilon na base sa rekord bihira o walang estudyante ang gusto mismo mag-boarding house para rin sa convenience pagkatapos ng duty.
“Sa PNP, pinapanatili natin na lahat ng report anonymous man yan report papansinin talaga natin. That is part of maintaining integrity sa PNP service lalong lalo na sa mga training na hina-handel natin. So wala naman mawawala kung papansinin natin. Baka nga nangyari,” saad ni Suguilon
Aniya, “backtracking tayo because we do not yet kung ano class ba talaga ‘yung may mga nagrereklamo or mga nangyayaring ganun but the TS assures na gagawin namin ang lahat para mapatunayan kung meron talagang may kasala-nan. (Mark Obleada)