Advertisers

Advertisers

DSWD, target idaan sa e-wallets ang pamamahagi ng cash aid

0 8

Advertisers

PLANO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na idaan sa e-wallets ang pamamahagi ng cash aid kasunod ng pagkamatay ng isang motorcycle taxi rider habang pumipila para sa payout sa Quezon City.

Sinabi ni DSWD Spokesperson ASec. Irene Dumlao, nagsasagawa na sila ng konsultasyon para i-adopt ang digital systems dahil nakikitang malaking tulong ang e-wallets lalo na kapag ganitong mainit ang panahon.

Maliban sa pagpigil na magkaroon ng casualties sa pamamahagi ng ayuda, layunin din ng naturang hakbang na mabawasan ang operational at administrative costs.



Samantala, nilinaw naman ni ASec. Dumlao na wala pang opisyal na impormasyon sa dahilan ng pagkamatay ng rider dahil inaantay pa ng pamilya ang paglalabas ng death certificate.

Ayon kay ASec. Dumlao, hindi umano nila inaasahan ang dami ng mga benepisyaryong dagdagsa sa payout site sa QC, kung saan dapat aniyang naipatupad ang crowd control measures.



Sa kabila naman ng insidente, ipagpapatuloy ng DSWD ang pamamahagi ng tulong pinansiyal at ia-anunsiyo ang karagdagang schedule para sa mga hindi pa nakakuha ng cash aid.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">