Advertisers
Tinawag na ‘foul’ ng isang kagawad ang umano’y pambabastos ng kanilang kapitan-del-barrio sa dalawang heneral ng pulisya sa ginanap na caucus o miting’ de avance kamakailan sa lungsod ng Caloocan.
Ang pangyayari ay6 nagbunsod kay Kag. Enrico ‘Sky’ Aguilar para kondenahin si Barangay 28 Chairman Edgar ‘Egay’ Galgana nang banggitin sina General Debold Sinas at PBGen. Rizalito Gapas sa ginawang caucus noong huwebes (Oktobre 26) ng gabi.
Si Sinas na retirado na sa police service ay dating hepe o director-general ng Philippine National Police (PNP) noong panahon ni ex. President Rodrigo Roa Duterte at si Gapas ay kasalukuyang director ng Northern Police District (NPD).
Sinabi ni Aguilar na ikinagulat nito nang banggitin ni Galgana ang nasabing dalawang magiting na police general na pareho ko raw ‘kakilala at kaibigan’ sa naturang pa-meeting, sabay banggit ang mga katagang ‘general electric’ na nagbunsod ng hagalpakan sa mga dumalo.
Sina Sinas at Gapas, saad ni Aguilar – ay ginawang katatawanan sa caucus na dinaluhan ng mga residente. Bilang kaibigan ng dalawang heneral na nagsisilbing ‘contact’ kapag kailangan ang kanilang tulong, ako ay nahihiya kaya dapat lang na ipagtanggol ko sila, dagdag pa ni Aguilar.
Ang video ukol sa pambabastos umano ni Galgana sa dalawang heneral ay ‘di maitatatwa, ayon kay Aguilar dahil ito’y nakakalat na sa social media.
Bilang kagawad, sinabi ni Aguilar na tinatawagan niya ng personal si Sinas noong ito ay PNP chief pa at kahit na ngayong retirado na ay kinokontak pa nito para sa police assistance na kaagad naman dumarating sa barangay 28.
Si Sinas din, ani Aguilar, ang instrumento para makilala si NPD chief Gapas na direkta rin niyang tinatawagan para maresolba ang problemang kriminalidad at illegal drugs na talamak na naman umano sa lugar.
Imbes na magbitaw ng mga salitang ikasasama ng naturang dalawang heneral ay hinamon ni Aguilar si Galgana na harapin, labanan ang nagbabalik at lumalang problema sa droga sa kanilang barangay na dahilan din umano ng kaliwa’t kanang insidente ng kriminalidad sa ngayon.
Noong panahon ng Pang. Duterte, nabawasan ang illegal drugs dahil nahuli, nakulong si ‘Eric Tuko’ na numero unong supplier ng droga pero sa ngayon ay tumindi na naman ang drug trafficking sa kanilang barangay dahil nakalabas na sa kulungan si Tuko.
Kung gaano kalala ang drug problem sa Brgy 28 ay ginawang halimbawa ni Aguilar ang nakaraang panununog ng 11 bahay sa squatter area kung tawagin ay KAMADA, ng isang residente na lulong ng droga pero hindi kinasuhan dahil sa intervention ng top Brgy official.
Matapang na binanggit ni Aguilar ang isang nagngangalang ‘Bucol’ na financier umano ng droga sa kanilang lugar na pinoprotektahan nina alyas Allan, Richel at Linda.
Sa lugar ng KAWAL, LANDASKA, PAMASAWATA at KAMADA na noong panahon ni Pang. Digong ay nalinis sa droga ay muli na naman ngayong kanlungan ng pushers at adik kaya sa mga lugar na ito ay talamak na naman ang holdapan at iba pang uri ng kriminalidad.
Si Gen. Sinas ay malaki ang naitulong kaya tumahimik ang Brgy 28 at ngayon ay si Gen. Gapas ang ating dapat sanang pag-asa para sa laban natin sa iligal at mga halang ang kaluluwa kaya masakit sa atin na nababastos ang mga alagad ng batas na tumutulong sa pagharap natin sa ating tungkulin bilang mga lingkod bayan, giit ni Aguilar.