Advertisers

Advertisers

MMDA SOG CHIEF GO, NATANGGAP NG ‘DEATH THREATS’ ARAW-ARAW, HINIMOK ANG PUBLIKO NA MAGLINIS NG PALIGID

0 5

Advertisers

Ibinunyag ni Metropolitan Manila Development Authority Special Operations Group–Strike Force (MMDA SOG-SF) Chief Gabriel Go na nakatatanggap siya ng mula walo hanggang sampung pagbabanta sa buhay araw-araw nang dahil lamang sa kanyang trabaho.

Sa sidelines ng kanyang pagdalo sa “MACHRA Balitaan” ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant, sinabi ni Go na habang ang iba sa mga banta ay maaring balewalain lamang, mayroon din namang mga banta na dapat seryosohin.

Napag-alaman na ang ilan sa mga death threats, bagama’t ‘anonymous’, ay napapa-trace naman sa tulong ng mga awtoridad na eksperto sa aspetong ito.

Ani Go, ang mga nasabing banta na ipinararating sa kanya sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan gaya ng text messages, emails at mga sulat, ay naging bahagi na ng kanyang arawang pamumuhay, kaya’t tinitiyak umano niya na hindi magiging hadlang ang mga naturang banta para tumigil sila sa MMDA o di kaya ay maghinay-hinay dahil nakatuon imano sila sa paglilinis, lalo na ng mga pangunahing lansangan, ng lahat ng uri ng ‘obstruction’.

Sa nasabing forum, nilinaw din ni Go na ang MMDA ay hindi nakikinabang sa pagi-isyu ng tickets sa mga nalabag sa batas, taliwas sa mga sinasabi ng ilang netizens sa social media.

“Every ticket payment directly goes to the national treasury. So, hindi kami kumikita. Hindi kami nasa negosyo ng paniniket… quota or porsyento because that’s corruption. Besides, the MMDA tickets are sanctioned by the Commission on Audit (C0A),” ani Go.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Go kaugnay ng mga alegasyon na negosyo para sa MMDA ang pagi-issue ng mga tiket.

Samantala, pinayuhan ni Go ang mga residente na huwag nang maglagay ng plastic bottles na naglalaman ng asul na tubig sa mismong gitna ng mga kalsada, sa paniwalang itataboy nito ang mga galang aso o pusa.

Ayon kay Go, ang mga ito ay itinuturing bilang mga ‘obstructions’ at dapat kumpiskahin, kasabay ng pagbibigay-diin na trabaho ng MMDA ang alisin lahat ng bagay na nakahambalang sa kalye at nakakasagabal sa ‘free access’ ng mga motorista at pubiliko sa pangkalahatan.

“Lahat kino-confiscate namin…paso, boteng may color blue. we also confiscate anythng considered as nuance or obstruction. Public roads are for public use,” aniya.

Sa halip na maglagay ng mga bote, hinihimok ni Go ang publiko na linisin ang kanilang kapaligiran at tulungan ang MMDA na alisin lahat ng harang sa daan at hiningi ang tulong ng mga barangay na himukin ang kanilang mga constituents na ituon ang atensyon sa kalinisan.

Maari umanong mag-report o magreklamo ang pubiko ukol sa mga nasabing obstructions sa pamamagitan ng MMDA Hotline 136, Presidential Hotline 8888 o sa mga MMDA social media accounts, Viber o FB Messenger, bukod sa natanggap ang ahensiya ng walk-in complaints. (JERRY S. TAN)