Advertisers

Advertisers

Taxi na dugyot lagot sa LTFRB

0 2

Advertisers

IPINAALALA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operators ng Public Utility Vehicle (PUV) na may karampatang parusa ang pagkakaroon ng maruming unit.
Sa pahayag ng LTFRB nitong Sabado, Hunyo 13, ibinahaging bukod sa road worthiness, parte ng responsibi-lidad ng operators ang pagkakaroon ng kaaya-ayang PUV unit.
“Let me remind both operators and drivers that their authority to operate is not a right but a privilege that comes with a responsibility of maintaining not only road worthiness but presentability of each unit,” saad ni LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II.
Aniya pa, ang pagkakaroon ng maruming PUV ay hindi lamang paglabag sa regula-syon ng LTFRB, ngunit maituturing na ring pambabastos sa mga pasahero.
Sinabi ni Mendoza na kung hindi susunod sa babalang ito ang PUV operators, tatanggalan ng lisensiya ang mga ito upang makapag-operate.
Ang direktibang ito ay kasunod ng personal na pagko-commute ni Mendoza noong Huwebes, Hunyo 11, kungsaan, naglabas siya ng show cause order (SCO) sa operator ng taxi sa Intramuros, Maynila dahil sa paglabas kahit na marumi ang unit.
Sa nasabing SCO, ang operator ay inoobligang dalhin ang taxi unit sa LTFRB Central Office upang mainspek-syon sa Hunyo 15, habang ang hearing ay nakatakdang gawin sa Hunyo 30.
Sakaling hindi sumunod sa SCO ang operator, binanggit ng LTFRB na may multa itong P5,000.