Advertisers

Advertisers

Hiwalay na liquor ban, inutos ni Mayor Honey sa Maynila

0 16

Advertisers

INUTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpapatupad ng magkahiwalay na liquor ban, kaugnay ng pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 30 at muli bilang paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon sa tagapagsalita ni Lacuna na si Atty. Princess Abante, ang alkalde ay naglabas ng dalawang executive orders, 34A at 34B para sa nasabing layunin.

Ipinaliwanag ni Abante na ang EO 34A ay nagpapatupad ng city-wide liquor ban para sa BSKE mula October 29 hanggang October 30, 2023.



Sa kabilang banda ang ang EO 34B ay nagpapatupad ng liquor ban sa November 1 at 2, sa lugar na may layong 500 meter-radius mula sa lahat ng sementeryo sa Maynila.

Ipinagbabawal ang pagbebenta, pagkonsumo ng lahat ng alcoholic beverages sa lahat ng sementeryo, maging pribado man o publiko.



Ayon kay Abante ang nasabing paglabag ay itinuturing bilang election offense sa ilalim ng Omnibus Election Code, at may kaparusahang pagkakakulong nang mula isa hanggang anim na taon.

Nanawagan si Lacuna sa mga residente na sundin ang nasabing prohibisyon sa halip na mag-baka sakali at mahuli at magmulta sa nasabing opensa. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">