Advertisers

Advertisers

Pagsasabatas ng 2024 nat’l budget, iba pang priority measure target ng Kamara sa pagbabalik sesyon

0 15

Advertisers

PUNTIRYA ng Kamara na maisabatas ang panukalang P5.768 trilyong budget at maipasa ang ilan pang prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos bago matapos ang taon.

Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan na maratipika ang panukalang 2024 national budget sa oras na makatutugon sa pangangailangan ng bansa sa susunod na taon.

Pahayag ni Romualdez na ang target ay maipadala ang panukalang budget kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago matapos ang taon.



Noong Sabado ay pormal ng ibinigay ng Kamara sa Senado ang inaprubahan nitong bersyon ng 2024 General Appropriations Bill (GAB) kung saan inilipat ang P194.5 bilyon para maproteksyunan ang mga Pilipino laban sa pagtaas ng presyo ng bilihin, maparami ang suplay ng pagkain sa bansa, at mapatatag ang seguridad ng bansa.

Ayon kay Speaker Romualdez, tatalakayin din ng Kamara ang nalalabing 11 prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at nabanggit ni Pang. Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">