Advertisers
Isang Linggo bago idaos ang ika 69th Philippine Mining Safety Environment Association (PMSEA) Mining Conference na idaraos nitong November 13 hanggang 17 sa Lungsod ng Baguio ay may nasagap ang Usapang HAUZ na tila hindi kaaya-aya sa mga mining industry sa bansa.
Hindi lang natin alam kung gaano katutuo na nais ng majority mula sa mga miyembro ng PMSEA ay gustong patalsikin sa puwesto ang kanilang Pangulo na si Engineer Louie Sarmiento dahil sa hindi na nito boses ang nasusunod kundi sa sinasabing Media Consultant ng organization na nagmula sa isang malaking TV at Radio network.
Ayon sa source ng Usapang HAUZ maraming suggestions ang mga opisyales ng PMSEA para sa ikagaganda ng presentation ng 69th Mining Conference ang ipinararating kay President Engr. Sarmiento tulad ng Media Coverage at iba pang may kaugnayan sa ikalalakas ng industriya ng pagmimina, payag si Sarmiento sa mga idea subalit pag dating kay lady media Consultant ay tablado.
Nagtataka ang mga kasapi ng PMSEA na tila wala ng say ang kanilang Pangulo pagdating sa decision making at bakit itong si Lady Consultant ang nasusunod pagdating sa mga programa ng event sa darating na November 13 hanggang 17.
Sinabi pa ng source sa Usapang HAUZ na may ilang opisyales ng mining company ang kasalukuyang nagpupulong para sa planong Coup d’etat laban kay PMSEA President Sarmiento dahil sa pagsasa-walang kibo nito sa kanilang suggestions at ang nasusunod ay ang Lady PMSEA consultant.
Galit na rin ang ilang miyembro ng Eastern Rizal Miners Association at Montalban Aggregates Producers Association bukod pa ang ilan pang mining company sa Mindanao at Visayas sa kanilang Pangulo na si Sarmiento dahil sa kawalan umano nito ng boses pagdating sa iba pang programa na ikagaganda ng 69th Mining Conference of the Philippines, kung kaya’t nagpaplano ang naturang grupo ng isang coup d’etat o agarang pagpapalit ng liderato ng PMSEA.
Giit ng isang opisyal ng PMSEA na tumangging magpabanggit ng kanyang pangalan na sakaling mapalitan bilang Pangulo ng PMSEA si Engr. Sarmiento ay agad agad ding ipasisibak nila ang Lady Consultant na nagmula sa isang kilalang TV network na siya ngayong nagmamando kung ano ang gagawing programa ng 69th mining conference.
Sinabi pa ng opisyal na baka ngayon lang 69th mining conference of the Philippines magkaroon ng hindi magandang presentasyon dahil sa pakiki-alam ng Lady Consultant ng PMSEA na hindi tumatanggap ng karagdagang idea na kahit gusto naman ng Pangulo.
Kaya lumalabas tuloy na parang si Lady Consultant na ang Pangulo ng PMSEA sa halip na si Engr. Sarmiento, tutuo ba ito Ka Louie?
Sa tutuo lang mga Ka Usapang HAUZ hindi naman siguro kayang diktahan si Ka Louie ng kung sino pa man lalonat sa ikagaganda ng programa ang nais ng ibang mga opisyales, o baka naman dahil sa sobrang abala ni PMSEA President ay ipinaubaya na niya kay Lady Consultant ang lahat kaya ayun sinamantala naman ni Lady GAGa.
Gusto ng mga Ka Usapang HAUZ na mahingian ng paliwanag ang Pangulo ng PMSEA na si Ka Louie Sarmiento hinggil sa balakin ng isang coup d’etat laban sa kanya.
Bukas ang pahina ng Police Files Tonite Usapang HAUZ sa reaksiyon at kumento para na rin sa malayang pamamahayag.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag txt or tumawag sa 09352916036