Advertisers

Advertisers

ATIN ANG REED BANK

0 18

Advertisers

MAY magandang mungkahi si Antonio Carpio, ang retiradong magistrado ng Korte Suprema, bago magsampa ng habla ang bansa laban sa Tsina. Siguruhin na atin ang Reed Bank sapagkat isa ito sa mga isla sa loob ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ) na nagtataglay ng mga likas na yaman na mag-aangat sa kabuhayan ng bansa.

Sa isang panayam, inamin ni Carpio na pabor siya na magsampa ng asunto sa Tsina na hihingi ng bilyong dolyares na danyos sa Beijing sa pagnanakaw nila ng ating yamang-dagat, pagwasak sa ating kaligiran, at pagkasira ng ating mga bahura. Ngunit mas maganda siguruhin na maaari na natin gamitin ang Reed Bank, o Recto Reef sa ating pananaw.

Marapat umpisahan ng gobyerno ang naantalang exploration works sa Reed Bank, ani Carpio. Iniutos umano ni Gongdi ang pagtigil sa anumang exploration doon bilang “paggalang” umano sa damdamin ng Tsina na umaangkin sa malaking bahagi ng South China Sea sa ilalim ng teyoryang “Nine Dash Line.”



Ibinasura noong 2016 ng Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS) ang teyoryang Nine Dash Line sa asuntong isinampa ng Filipinas noong 2013 laban sa Tsina. Hindi kanila ang South China Sea at kathang isip lang ito ng Beijing, ayon sa desisyon ng UNCLOS.

Karapatan ng Filipinas na muling ihabla ang Beijing sa pagnakaw ng ating yamang dagat at pagsira ng ating karagatan at kaligiran, ngunit kailangan siguruhin ng gobyerno natin na hindi guguluhin ng Tsina ang anumang exploration work sa Reed bank na nasa hilagang kanluran ng isla ng Palawan, ani Carpio.



Kung pipigilin ng Tsina ang ating exploration works sa Reed Bank, marapat lang na isama natin sa habla ang danyos na maaaring gawin ng Beijing sa gagawing pagpigil, aniya. Hindi tayo dapat pumayag, aniya.

“The environmental case should wait until we get a clear indication as to what will happen in Reed Bank. If we file now, we will be diverting our attention from what is the most urgent, (which is) to get the gas in Reed Bank,” ani Carpio.



Magiging malakas ang ating habla sa pandadigang hukuman, aniya. Umpisahan na natin ang paghahanap ng langis sa Reed Bank. Mayaman umano sa langis at gas deposit ang Reed Bank, aniya. Maaari itong pumalit sa Malampaya, aniya, na nauubos ang natural gas.

Ibinibigay ng Malampaya ang 40% ng ating pangangailangan sa enerhiya Luzon at kailangan matuklasan agad ang pamalit sa Malampaya na nakatakdang maubos ang natural gas sa anim or pitong taon. Ayon sa 2013 report mula sa United States Energy Information Administration, mayrooon ang Reed Bank na 5.4 bilyon barrels ng langis at 55.1 trilyon cubic feet ng natural gas. Gusto itong angkinin ng Tsina kahit nandoon ito sa ating EEZ.

Pabor si Carpio sa mga panukala na magkaroon ng joint patrol kasama ang Estados Unidos, Japan at iba pang bansa na hindi sang-ayon sa panunuwag ng Tsina sa mga bansa sa rehiyon. Kailangan maging matatag ang Filipinas laban sa Tsina, aniya.

***

ISA ang Israel sa limang bansa sa buong mundo na walang konstitusyon o saligang batas. Kasama ng Israel ang United Kingdom, Saudi Arabia, New Zealand, at San Marino sa mga bansang walang konstitusyon, ngunit itinuturing na mga demokrasya. Ayon sa Jerusalem Post, isang pahayagan sa Israel, itinatadhana ng United Nations Resolution 181 at Israel Declaration of Independence ang pagkakaroon ng saligang batas, ngunit hindi nangyari.

Nang buuin ang unang legislative assembly ng Israel kalaunan ay naging Knesset, ang kanilang kongreso, isa ang pagbalangkas ng saligang batas ang iniatang na tungkulin. Ngunit hindi ang konstitusyon ang napagtuunan kaagad ng pansin ng lehislatura, ayon sa Jerusalem Post. Binigyan pansin ang pagpasa ng mga ordinaryong batas sa bansa. Labis na marami ang kailangang ordinaryong batas at hindi na napansin ang saligang batas. Hindi naging prayoridad ang konstitusyon, ayon sa pahayagan.

Ayon sa mga eksperto sa batas, ikinatwiran ng mga mambabatas ng Israeli na maraming Hudyo ang wala pa sa bansang Israel noong binuo ang bansa. Hindi pa ganap na kumukilos ang Zionismo, ang pandaigdigan kilusan naglayong dalhin sa Israel na kumalat sa buong mundo sa nakalipas na dalawang libong taon. Bukod dito, mayroon ibinahagi ang batas ng Britanya upang gumabay sa Israel, anila.

Sa pakiwari ng mga eksperto sa batas, hindi kailangan ang saligang batas sapagkat nananatiling isang demokrasya ang Israel. Matinding pag-uugat ang idinulot ng mga batas ng Britanya upang gabayan ang Israel sa mga batas. Sa pakiwari ni David Ben Gurion, unang pangulo ng Israel, masyadong mababaon ang bagong bansa sa maraming usapin kung uunahin ang pagbalangkas ng bagong saligang batas. Mas makatwiran na unahin ang pagbuo ng mga mahahalagang batas sa pananalapi, pulitika, at tanggulan, ayon sa mga eksperto.

***

HALOS hindi naming napansin na sampung taon na pala ang nakalipas nang salantahin ng bagyong Yolandang kabuuan ng Tacloban City at karatig bayan. Hindi namin nakakalimutan ang aming karanasan dahil dalawang araw ang nakalipas, kami naman, ang #BecauseWeCanLet’sHelp, ang grupo ng mga mamamahayag na binuo ni Kalihim Cheloy Garafil ang nagtulak papuntang Tacloban. Kabilang sa grupo si Eric Garafil, Boying Abasola ng pahayagang Balita; Carol Claudio, Pons Savelano(+), Noel Velasco at Andoy Lazaro ang dumating doon upang mag-ambag ng tulong sa mga nasalanta. Inabutan namin ang mga naglisaw na bangkay na hindi pa nahahakot at nailibing. Sari-saring kuwento ang aming inabot mula sa mga biktima.

Madaling naubos ang aming dalang tulong sa siyudad. Walang makain o mainom ang mga taga-Tacloban City dahil winalis ng bagyo sa siyudad. Nakita namin ang mga iba’t-ibang medical team ng ibang bansa upang tumulong sa mga mamamayang nasalanta ng bagyo. Mayroon galing sa Israel at Taiwan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi namin nalilimutang ang Israel at Taiwan. Sa panahon ng kagipitan, nandito sila at tumulong.

***

Email:bootsfra@yahoo.com