Advertisers
APRUBADO NA NG Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, para patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan ay nilagdaan niya ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) para rito.
Nabatid na isa ang AICS sa mga mahahalagang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mahihirap na pamilya na humihingi ng medical, burial, transportation, education, food, financial assistance at iba pa.
Ipinaliwanag ng kalihim na nasa tatlong bilyon ang available excess revenue sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations (UA) na nakalaan sa programa sa ilalim ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC) program ng DSWD. (Gilbert Perdez)