PATULOY na maging ‘ambassadors of goodwill’ para sa bansa at sa ating mga kababayan sa Estados Unidos.
Ito ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino sa Amerika sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Honolulu, Hawaii.
Binigyang diin ng presidente na mahalagang may mahihingan ng tulong, may matatakbuhan at maging karamay ang ating mga kababayan lalo sa na panahong ito na laganap ang hate crimes at mga karahasan sa US na madalas nararanasan ng mga kasapi ng Asian-American at pacific islander communities.
Kasabay nito, tiniyak ni PBBM na patuloy na naka-monitor at nagbabantay ang embahada ng Pilipinas at mga konsulada sa Estados Unidos sa mga ganitong uri ng krimen.
Aniya, inatasan na niya ang ating embahada at mga konsulada na tulungan ang mga Pilipinong apektado ng karahasan sa pakikipagtulungan na rin ng mga awtoridad sa Amerika.
Nasa 4.4 milyon ang mga Pinoy sa Amerika na karamihan ay naninirahan sa Southern California. (Gilbert Perdez)