Advertisers

Advertisers

Sugal sa tabi ng Norzagaray Elementary School, kinukunsinti ng kapulisan?

0 8

Advertisers

LISENSYA na pala sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na mambastos sa kapwa opisyal all in the name of money?

Wala umanong pakialam itong si PLt Col Lynelle F. Solomon, Chief of Police ng Norzagaray, Bulacan na makaapak sa paa ng kahit na sinong opisyal basta masunod lamang diumano ang kanyang gusto: ang kumita ng pera mula sa iligalistang sina alyas “Andy” at ”Thelma” na nag-o-operate ng sandamakmak na sugal, tulad ng “color games, beto-bito at drop ball” sa tapat mismo ng Norzagaray Elementary School sa Barangay Poblacion, Norzagaray.

Matapang itong Kernel na kontrahin ang ibinabang utos na “One Strike” Policy ni PNP Chief, Benjamin Acorda Jr.



Eh saan nga ba humuhugot ng lakas ng loob itong si Col Solomon para baliin ang direktiba ng “Hari” ng pambansang kapulisan.

“ONE STRIKE” POLICY NI PNP CHIEF ACORDA, HINDI GUMAGANA SA ANGAT, BULACAN

Samantala kung sugal lamang ang pag-uusapan ay hindi rin nagpapahuli ang areas of jurisdiction ni Angat Chief of Police PMaj Kiddie Dela Cerna Balasolla, dahil inaabot din ng pamorningan ang mga sugarol ng “drop ball, beto-bito at color games” sa tabi ng WCL Gas Station ng Barangay Donacion, Angat, Bulacan.

Sa kabila ng babala na kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo ang mga pulis na mapatutunayang sangkot o protektor ng ilegal na sugal ay mukhang wala namang nangyayari sa “Internal Cleansing” at sa ibinabang utos na “One Strike” Policy ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr.

Ayon panga sa direktiba, nag-aabang na ang mabigat na parusa sa mga police officials na nagpapabaya sa kanilang trabaho sa paglaban sa ilegal na sugal sa kanilang areas of jurisdiction.

Pero base sa classified info na natanggap ng inyong abang lingkod, hindi umubra ang babalang ito ni Acorda maging ang umano’y ‘marching order’ din ni DILG Secretary Benhur Abalos, na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno, LGUs at kapulisan, na tumanggap ng pabor (financial favor/payola) mula sa mga ilegalista partikular na sa mga gambling operator/lord.



Pero kung sinsero ang hepe ng pambansang pulisya sa kanyang ibinabang utos tiyak na may “sasabit” na mga matataas na opisyal ng kapulisan sa Bulacan kapag mahigpit niyang paninindigan ang paglilinis ng kanyang hanay batay sa naunang polisiya ng Philippine National Police (PNP) na internal cleansing sa naturang organisasyon.

Nakapagtataka rin ang pananahimik ni Bulacan PNP Provincial Director PCol Relly Arnedo, Acting Regional Chief, CIDG RFU 3 PLt Col Sancho DJ Mercado at PRO3 Regional Director PBGen Jose Hidalgo sa isyu ng sugal sa kanilang AoR.

Paalala kulang sa mga nabanggit na opisyal na kaakibat ng pamumuno ninyo sa organisasyon ay ang responsibilidad at ang mabigat na pananagutan, kaya kayong mga chief of police, provincial at regional director na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” ay may pananagutan batay na rin sa doktrina ng command responsibility.

May kasunod pa!

***

Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa [email protected]