Advertisers
Ibang-iba na talaga ang dating ng panahon sa ating bansa na kung saan parang ganon na lang kadali ang kumitil ng buhay ng kanilang kapuwa.
Karumal-dumal at walang-awang pag-patay sa kanilang kapuwa-tao na kundi sinaksak ay binaril at ninakawan pa.
Kaya tuloy sinasabi ng marami na mas mainam pa daw ang saging dahil may puso samantalang ang ibang tao ay wala ng puso at wala pa ring kaluluwa.
Ilan din ang nagsasabi na kailangan na sigurong ibalik ang death penalty para sa lahat ng heinous crime.
Wala na daw kasing disiplina at takot ang ibang tao kung kaya’t ganon na lamang kung kumitil ng buhay ng kanilang kapuwa para lamang sa sariling interes.
Wala na rin daw sinusunod na batas ang mga ito maging batas man ng Diyos o’ batas ng tao.
Kailangan na rin anila ng mga ganitong tao ang kamay na bakal, ” let guns be by guns” sabi ng mga vigilante.
Kahabag-habag naman daw ang sinapit ng mga biktima ng mga ito na walang awang sinaksak, binaril at ninakawan pa.
Dalawa sa mga ito ay mga motorcycle taxi driver na nagtratrabaho ng parehas para maka-kain ang pamilya samantalang ang isa naman ay Isang lady blogger na walang-awang pinagba-baril sa loob mismo ng bahay niya.
Ang tatlong ito ay pinaslang nito lamang kasalukuyang buwan ng Hulyo sa iba’t-ibang dako ng NCR.
Ang rider na si Fabio Norberte Jr. ay ilan beses na sinaksak mismo ng kanyang customer na kanyang hinatid.
Hindi pa nakuntento, tinangay pa nito ang kanyang motor.
Paano na ngayon ang dalawang taong anak nito na may authism pa, sino na ang mag-aalaga dito at kanyang pamilya.
Si Re Ren de la Viga naman ay binaril din ng kanyang customer na nagpahatid sa kanya sa Cavite, tinangay din ang kanyang motor.
Ang lady blogger naman na si Alicia ay pinagbabaril mismo sa loob ng kanyang bahay.
Si Alicia ay Kilala bilang kriko NG MGA Duterte at Senador Bato de la Rosa.
May habilin umano si Alicia na kung sakaling Siya ay mawala, wala daw ibang dapat hanapin kundi si Bato dahil ito daw ang papatay sa kanya.
Wala talagang mga puso at kaluluwa ang mga taong ito. Ibang klaseng rin ang naturalesa ng mga ito na tila pinamahayan na ng Diyablo.
Wala ng ibang hini-hiling pa ang pamilya ng mga biktima kundi ang pagtamo ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay na pinatay ng parang hayop.