Advertisers

Advertisers

HUWARANG PULIS! PCAPT. AGARIN, PINARANGALAN SA TAPAT NA PAGLILINGKOD

0 9

Advertisers

Sa kabila ng mabibigat na hamon at responsibilidad bilang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) nananatiling huwaran si Police Captain Marcelo Bombita-Agarin sa tapat at makataong paglilingkod sa bayan.
Sa halip na manaig ang pang-aabuso sa kapangyarihan, ipinamalas ni PCapt. Agarin ang integridad, disiplina, at maayos na pakikisalamuha sa komunidad. Dahil sa kanyang mahusay na pamumuno at epektibong pamamalakad sa kanyang Area of Responsibility (AOR), nanatiling payapa at maayos ang sitwasyon sa nasasakupan ng Police Sub-Station 6 sa Malabon City.
Bago maitalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsilbi si PCapt. Agarin bilang miyembro ng Special Action Force (SAF) at naitalaga sa iba’t-ibang lugar sa Mindanao. Naging Platoon Leader siya sa Parang, Maguindanao, at kalaunan ay naging Company Commander ng 1402nd Company sa Tawi-Tawi at Jolo, Sulu, kung saan nagsilbi siya nang humigit-kumulang limang taon at kalahati. Naging Chief of Police rin siya sa Looc, Sulu bago bumalik sa NCRPO noong Oktubre 16, 2025.
Pagkatapos ng kanyang pagbabalik sa Metro Manila, itinalaga siya bilang Chief, Operations Section mula Disyembre hanggang Marso, at patuloy niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin nang may dedikasyon at propesyonalismo.
Bilang pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo, nakatanggap si PCapt. Agarin ng tatlong plake ng pagkilala at commendation mula sa Tañong Police Sub-Station sa Malabon City. Ibinigay ang mga parangal na ito bilang pagkilala sa kanyang matagumpay na pag-aresto at pagdakip sa isang suspek na nakuhanan ng ilegal na baril, na nagpatunay sa kanyang husay at katapatan sa pagpapatupad ng batas.
Patuloy na nagsisilbing inspirasyon si PCapt. Marcelo Bombita-Agarin sa kanyang mga kapwa pulis at sa komunidad sa pamamagitan ng kanyang tapat, disiplinado, at responsableng pamumuno—isang ytunay na halimbawa ng isang lingkod-bayan na inuuna ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.(L. Pangilinan)