Advertisers

Advertisers

‘Killer’ ng supporter-vlogger ni PBBM tukoy na – NPD

0 4

Advertisers

NATUKOY na ng Northern Police District (NPD) ang responsable sa pamamaril at pagpaslang sa supporter- vlogger ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) Biyernes ng madaling araw.
Nakiusap ang NPD na hindi muna nila pangangalanan ang mga suspek habang patuloy pa silang naghahanap ng ebidensyang mag-uugnay sa mga ito.
Ayon sa NPD, ang pagkakakilanlan sa mga suspek ay batay sa isinagawang forward at backtracking mula sa CCTV footages sa paligid ng Barangay 171 kungsaan naganap ang insidente.
Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon ng NPD, posibleng madalas makita sa lugar ang mga suspek at posible ring kalugar din ito ng biktima.
Posible ring matagal nang tinitiktikan ng mga salarin ang kilos ng biktima.
Tiniyak ng NPD na isasapubliko kaagad nila ang progreso ng kanilang imbestigasyon sa oras na maging beripikado na ang impormasyon.
Nauna nang binuhay ni NPD Director, Brigadier General Benliner Capili, ang Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa masusi, mabilis, at epektibong imbestigasyon sa pagpatay sa biktima at ikasugat ng kinakasama nito.