Advertisers
Muling umarangkada ang pamamahagi ng social pension para sa mga indigent senior citizen sa lungsod ng Parañaque.
Libo-libong senior citizens sa lungsod ng Parañaque ang tumanggap ng tulong pinansiyal matapos matagumpay na naipamahagi ng lokal na Pamahalaang Lungsod ang kanilang social pension para sa ikalawang quarter ng taong 2026.
Pinangunahan ni Mayor Edwin L. Olivarez ang distribusyon sa 16 na Barangay sa lungsod sa 9, 968 benepisyaryo ang bakatanggap ng kanilang ayuda na nagkakahalaga ng P3,000 mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ayon kay Olivarez, ang mga benepisyaryo ay binubuo ng mga senior citizen na walang kita, walang regular na suporta mula sa pamilya at hindi tumatanggap ng pensyon mula sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) o anumang insurance company.
Aniya, malaking tulong ang programang ito para matugunan ang pangunahing pangangailangan nila, gaya ng pagkain, gamot at iba pa.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ng alkalde na patuloy na makikipag tulungan ang lokal na Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa Pambansang Pamahalaan upang mas marami pang mg indigent senior citizens ang makikinabang sa programa.
“Patuloy po nating papalakasin at iimprove ang programang ito sa tulong ng ating pamahalaang nastunal, ating lungsod at ng ating mga barangay, Palalawaking pa natin ito para taon-taon, mas maraming nakakatanda pa ang makikinabang.” saan ni Olivarez
“Dito sa Lungsod, walang senior citizen ang maiiwan at bawat isa ay mararamdaman ang suporta ng inyong Pamahalaang Lungsod ng Parañaque. ” dagdag niya
Bukod sa social pension, ibat-ibang programa rin ang ipinapatupad para sa mga senior citizen. Kabilang na rito ang pamamahagi ng Pamaskong Handog packages at birthday at Christmas cash gifts, at pagbibigay ng cash incentives sa mga residente na may edad 80 pataas sa pamamagitan ng pre-centenarian at centenarian program.
Sila rin ay maaring makapanood ng libre sa mga sinehan sa Lungsod, gayundin ang free parking privilege at exemption mula sa number coding scheme.
Samantala, ang mga kamag-anakan ng mga pumanaw na senior citizen ay maari ring makatanggap ng burial assistance upang matulungan sila sa gastusin sa pagpapalibing.
Ang mga programang ito ay kaakibat ng plataporma ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque na magbigay ng kalibga at suporta sa mga senior citizen sa Lungsod.
***
REAKSYON at SUHESTIYON itext sa 09397177977/09368626001 o do kaya mag email balyador69@gmail.com