Advertisers
MATINDI na ang word war sa pagitan nina Senador Ping Lacson at Sen. Alan Cayetano.
Nagkakalkalan na ng mga baho ang dalawang Senador-Judge sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio.
Llamadong llamado si Lacson kay Cayetano pagdating sa isyu ng katiwalian.
Wala kasing negatibong isyu laban kay Ping. Hindi kasi siya kumukuha ng pork barrel simula nang pumasok sa politika, habang si Cayetano ay tainted na ng korapsyon.
“My integrity is my first and last line of defense and I will fight to defend it with all my might. Sen. cayetano has crossed yhe lienattacking it.
As of this morning I’m still counting informants at witnesses, directly ot through intermediaries, willing to provide information and evidence to put him in his proper place – the Payatas, QC Jail,” ngitngit ni Lacson.
Si Cayetano, isang political butterfly na nakadikit ngayon sa Duterte, ay kasalukuyang iniimbestigahan ng national Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa umano’y anomalya sa multi-billion fund ng 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) na ginanap dito sa bansa.
Mismong si Ombudsman “Boying” Remulla ay nagsabi na walang double jeopardy sa pagbukas sa isyu ng pondo ng 2019 SEAG dahil wala raw isinampang kaso sa kanyang tanggapan.
Kung maaalala, kinuwestyon na noon nina Senador Risa Hontiveros at noo’y Sen. Franklin Drilon ang napakalaking pondo ng SEA Games partikular ang P55 milyong halaga ng sulo o kaldero (cualdron) na hanggang ngayon daw ay hindi pa nababayaran sa national artist na nagdesinyo nito.
Ayon kay Lacson, nagsingit noon si Cayetano ng higit P6 billion sa General Appropriations Act (GAA) na siyang ginamit sa SEA Games.
Ayon naman sa beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo, naglabas si noo’y President Rody Duterte ng higit P10 billion mula sa kanyang intel fund para pondohan ang naturang biennial games.
Sa initial investigation ng NBI na pinamumunuan ni Director Melvin Matibag, natuklasan nilang bilyones pa ang hindi na-liquidate na pondo.
Dahil sa bilyon bilyong pisong public fund ang sangkot dito, malamang daw na swak sa Plunder si Cayetano. Araguy!
Alam ito ni Cayetano, na isa ring abogado, kaya naman nagwala ito nang malamang iniimbestigahan ng NBI ang 2019 SEA Games anomaly.
Obkors to the rescue kay Alan ang kanyang sister Senator Pia na nagtatalak sa Impeachment Trial ni VP Sara last week. Inupakan niya si Matibag. Pabida raw. Hehehe…
Ang sa atin naman, mga pare’t mare, kahit anong gawing pag-iimbestiga ng NBI kung wala ngang dapat ikabahala o na gawang pangungulimbat ni Cayetano ay wala siyang dapat ipangamba.
Pero kung talagang nagbulsa siya ng bilyones sa pondo ng 2019 SEA Games, dapat lang siyang makulong! Mabulok sa Payatas QC Jail!