Advertisers

Advertisers

Higit 300 kadete ng PMMA, hinamon ni PBBM na ipagpatuloy ang magandang reputasyon ng mga mandaragat

0 6

Advertisers

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatapos ng 327 kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Salighirang Class of 2026.



Sa kabuuang bilang ng mga nagtapos, 146 ang mula sa College of Marine Transportation habang 181 naman ang mula sa College of Marine Engineering.

Itinanghal na class valedictorian si Midshipman 1st Class Mark Owen Trilles ng Camarines Sur, habang salutatorian si Midshipman 1st Class Jansen Bautista ng Batangas.



Sa kanyang talumpati, hinikayat ng Pangulo ang mga bagong graduate na ipagpatuloy ang magandang reputasyon ng mga Pilipinong mandaragat sa buong mundo.

Tiniyak din ni PBBM na sa kabila ng nagpapatuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga marinong Pilipino. (Gilbert Perdez)