Advertisers

Advertisers

WALANG ‘RELE’ O KINALAMAN NA ISYU, DI DAPAT SA IMPEACHMENT TRIAL — SEN. ERWIN TULFO

0 9

Advertisers

Ang pagtalakay ng mga walang kinalaman na isyu sa impeachment trial ay pag-aaksaya ng panahon at hindi makatarungan para kay Vice President Sara Duterte kaya’t dapat na tigilan na.

Ito ang inihayag ni Senator Erwin Tulfo kasabay ng panawagan sa kapwa Senator-judges na tiyaking ang oras na nakalaan para sa impeachment trial ay magagamit para lamang dito, upang di tumagal ang proseso na hindi patas para kay VP Duterte, dahil ‘justice delayed is justice denied.’

“Let us not forget that the impeachment court was established for one thing and one thing only— for the impeachment trial of the Vice President. Forum ito ng Vice President. Oras po ito ng Vice President. So nararapat lamang, it will just be fair na lahat ng attention and focus ay dito po kay Vice President, doon sa problema po, sa kaso. Naakusahan po siya na marami po, apat po na articles yung inaakusa na po sa kanya. Ngayon, ang tanong, totoo ba ito o hindi? ‘Yun po ang trabaho ngayon ng prosekusyon. Ganoon din ang trabaho ng depensa,” pagbibigay-diin ni Tulfo.

Ikinadidismaya din umano ni Tulfo na, ‘unfortunately, may mga out of the blue, biglang may magpapaliwanag ng ganito, may magsasabi ng ganoon, napansin niyo din siguro, hindi na ako magbabanggit. I-consider sana ‘yung mga yan. May mga ganun na manifestation na out of the blue at off-topic.It is very, very unfair for the Vice President. This is her hour. This is her forum. Dito, pwede siyang magsalita. Oras nya ito. Hindi oras ng iba na mag-eksplika ng kung ano-ano kasi the more na tatagal itong hearing.”

He added: ‘Kung papatagalin nang papatagalin, kawawa po yung tao… kunyari nasasakdal ka, pinatagal mo nang pinatagal. Siyempre, ang anxiety ng mismong akusado, ‘yung kanyang pamilya…hanging in the balance, yung credibility, ‘yung iyong career, especially as Vice President, hanging in the balance. Mahirap po yun. Kung ikaw ay lulusot o hindi.”

Ani Tulfo, kailangan umano na mapag-usapan ng Presiding Officer at kabuuan ng Senator-Judges na ituon lamang ang impeachment trial sa mga isyung may kinalaman at iwasan ang paggamit sa trial bilang instrumento para makapaglahad ng mga ‘irrelevant’ o walang kinalaman na isyu sa ginaganap na pagdinig.

“Let’s focus on the Vice President lang. Let’s keep it that way. Huwag na tayong lumabas dyan. Pag-usapan natin all about the Vice President. Ang Pangalawang Pangulo po ang nasa trial dito at kailangan po nya ng hustisya as soon as possible. Hindi po ‘yung patagalin natin hanggang Christmas. Kung pwede nga po before Christmas para ika nga. Tapos na po ito. Mahirap po kaya magpa-Pasko na ikaw ay may kaso,” ani Tulfo.

Nagpahayag din si Tulfo ng pagnanais na maging mas mabilis ang proseso ng trial dahil dalawang saksi lamang umano ang naiprisinta sa loob ng dalawang linggo. (JERRY S. TAN)