Advertisers
SUMAILALIM na sa ‘inquest proceedings’ ang tatlong pulis mula sa Baliwag City Police station, matapos ireklamo ng umano’y pag-aresto ng “maling tao”.
Ayon sa Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3), nahaharap ang naturang mga pulis sa mga kasong physical injuries, unjust vexation, grave coercion, slander by deed at attempted kidnapping.
Inihahanda narin ng National Police Commission (Napolcom) ang kasong administratibo laban sa tatlo.
Sa isang viral video na kuha ng CCTV sa lugar, mapapanood na nilapitan ng tatlong lalaki ang isang indibidwal mula sa Barangay Tangos, at nagpakilalang mga pulis kungsaan pinipilit nilang isakay sa isang tao.
Pero sa paglapit ng mga tauhan ng naturang biktima, biglang umalis ang tatlong nagpakilalang mga pulis, sinabing maling tao ang kanilang inaa-resto.
Sinabi naman ni PRO-3 Director, Brig. Gen. Jess Mendez, na ang pagsasailalim sa inquest proceedings laban sa mga inireklamong pulis ay nagpapatunay na seryoso sila sa pagpapatupad ng paglilinis sa hanay ng pulisya.