Advertisers
PAPALO sa 28,136 ang inisyal na bakanteng trabaho na maaaring aplayan sa job fair na ilulunsad ng Department of Labor and Employment kasabay ng pagdiriwang ng ika-90 founding anniversary ng ahensiya sa Disyembre.
Ilulunsad ang naturang job fair sa 21 sites sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Nasa 340 employers ang mag-aalok ng trabaho simula Disyembre 1 hanggang 14.
Kabilang dito sa mga bakanteng trabaho na maaaring aplayan ay customer service representatives, production workers/operators, cashiers, baggers, laborers, carpenters, painters, casino dealers at service crew.
Inaasahan ng ahensiya na madaragdagan pa ang job vacancies sa mga susunod na araw.
Sa mga interesadong aplikante, magdala lamang ng application requirements gaya ng resume o curriculum vitae, certificate of employment diploma, transcript of records at training certificates.