Advertisers

Advertisers

Gymnast Lagman nasungkit ang 2nd all-around title

0 5

Advertisers

NASUNGKIT ni Sabrina Richelle Lagman ang all-around title sa High Performance 1 category ng 2023 Learn and Train Sports Academy (LTSA) Invitational na ginanap sa SM Southmall, Las Pinas City.

Nagtala siya ng 32,550 points para maangkin ang tagumpay kontra Julianna Lexie Racoma (31,650) Cami Fider (30,950) Amara Brielle Co (29.750), Mirelle Otayza (29.700) at Chalsea Belle Loiuse Tuazon (4.550).

Nangibabaw si Lagman sa uneven bars, umiskor ng 7,100 points para manaig laban kay Fider (6,600) Racoma (6.400), Co (5.050) and Otayza (4.750).



Naitala rin nya ang pinakamataas na iskor 8.500 sa balance beam, para malagpasan si Otayza (7.850),Racoma (7.750), Fider (7.350) at Co (7.250).

Sa floor exercise, Lagman (8.650 ) nakuha ang fourth place sa likuran ni Fider Fider (8.850), Co (8.800) at Otayza (8.750). Racoma ang fifth na may 8.600.



Fourh place rin siya sa Vault na may 8.300 points.. Racoma (8.900) ang first followed kasunod si Co (8.650) at Otayza (8.350). Fider (8.150) at Tuazon (4.550) ay fifth and sixth, ayon sa pagkakasunod.

“I did my best for my daddy,” Wika ng seven-year-old gymnast sa interview Huwebes



Ang Grade 2 student mula sa Assumption College sa Makati ay iaalay ang kanyang tropeo sa kanyang Tatay Mike, na naka- confine sa ospital sa panahon ng kanyang kumpetisyon.

Pangalawang all-around title para kay Lagman matapos dominahin ang 6-year-old and under category nakaraang taon sa MVP Sports Foundation Gymnastics Center sa Intramuros, Manila.