Advertisers

Advertisers

Pulis nanutok ng CaLax officer, arestado

0 14

Advertisers

KULONG ang isang pulis nang manutok ng baril sa isang CaLax (Cavite-Laguna Expressway) officer na nagtangka lang umawat sa pagtatalo sa mismong expressway sa Barangay Biga 2, Silang, Cavite.

Ang inarestong pulis na tinukoy sa alyas “Mantilla,” 47 anyos, nakatalaga sa Regional Special Operations Group ng National Capital Region Police Office (RSOG-NCRPO) at residente ng Brgy. Sanja Mayor, Tanza, Cavite, ay inireklamo ng isang Christian Parungao Galleon, 32, CaLax officer, ng Brgy. Dita, Sta Rosa, Laguna.

Sa ulat, 3:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa may CaLax entrance/exit ng Brgy. Biga-2, Silang kungsaan bigla umanong dumating ang suspek at kinompronta ang ka live-in partner nito na nakilalang si Mary Ann Gadil, nasa hustong gulang at lady guard ng CaLax toll plaza.



Dahil sa nakitang nagtatalo sina Mantilla at Gadil, agad silang pinuntahan ni Galleon upang umawat pero imbes na tumalima, nagalit umano ang pulis at binunutan nito ng baril at tinutukan si Galleon.

Humingi ng tulong si Galleon sa pulisya, at naaresto Mantella.

Nakumpiska kay Mantellla ang isang Glock 17 caliber 9mm (SN SAF777) na kargado ng magazine na may 15 bala.