Advertisers

Advertisers

Walang katapusan ang paggawa ng irrigation

0 37

Advertisers

KADA taon ay malaki ang pondong ibinibigay ng gobyerno sa National Irrigation Administration (NIA) para sa paggawa ng mga irigasyon.

Ang ipinagtataka lang natin ay kung bakit tila walang katapusan ang mga paggawa ng irigasyon at palaki nang palaki ang pondo, samantalang paliit nang paliit ang mga sakahan!

Tulad sa darating na taon 2024, naglaan ng P40 billion ang gobyerno para raw sa paggawa pa ng mga irigasyon para labanan ang panahon ng tagtuyot, at hindi mamuroblema pa ang mga magsasaka sa tubig.



Ang tanong: Ano na ba ang nangyari sa mga proyektong pinaglaanan ng bilyon bilyong piso sa mga nakalipas na administrasyon? Bakit hanggang ngayon ay patuloy parin ang pagpagawa ng mga irigasyon, gayung hindi naman nadadagdagan ang mga sakahan?. Nababawasan pa nga dahil na-convert nang subdivision at commercial area!

Dapat bisitahin ng Commission on Audit (CoA) ang mga proyekto ng NIA, kung nagawa ba talaga ng tama, napapakinabangan o pinagkakitaan lang ng mga opisyal.

Just do it, CoA!

***

Sinuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang dalawang programa ng SMNI (Sonshine Media Network International) na umano’y nagkakalat ng fake news at pag-atake sa mga kalaban sa politika.



Ito ay ang programa ng tandem nina dating Pangulo Rody Duterte at Pastor Apollo Quiboloy na ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’, at ang ‘Laban Kasama ang Bayan’ ng tandem nina Lorraine Badoy at Jeffrey Celis.

Ang rason ng MTRCB para suspindehin ng dalawang linggo ang programa nina Duterte at Quiboloy ay ang ‘grave threat’ ng dating Pangulo kay ACT Teachers Partylist Representative France Castro.

Samantalang ginawang rason ng MTRCB ang umano’y walang basehan na pagsapubliko nina Celis at Badoy sa P1.8 billion travel expenses noong 2022 ni House Speaker Martin Romualdez.

Si Digong ay inireklamo ng ‘Grave Threat’ ni Castro sa Quezon City Prosecutors Office.

Si Quiboloy, na wanted sa Federal Bureau of Investigation (FBI) kaugnay ng kinakaharap na kaso sa Amerika, ay nakatakdang litisin ng korte US sa Nobyembre 2024.

Sina Celis at Badoy naman ay nakatikim na ng isang linggong pagkakulong sa House of Representatives nang i-contempt dahil sa pagtangging isiwalat ang source ng ‘P1.8 travel expenses’ ni Romualdez.

Sa development na ito, paliit nang paliit na ang mundo ng mga dating “untoucble” sa Pilipinas.

Ito ang sinasabi natin na walang “forever” sa power. Pagkatapos ng termino mo, sisingilin ka sa mga kaululan na pinaggagawa mo during your prime. Mismo!

Kaya yung mga nakapuwesto dyan, magpakabait kayo. Dahil hindi sa lahat ng oras ay nasa ibabaw kayo. Ang kapanyarihan n’yo ay mula sa tao at may katapusan. Period!