Advertisers

Advertisers

Walang Pasko sa ‘Pinas ang 2 pedophiles na naharang sa NAIA

0 10

Advertisers

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaharang ng dalawa pang dayuhang pedophiles sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na naharang sa tangkang pagpasok sa bansa dahil sa pagiging undesirable aliens.

Sa isang opisyal na pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco kinilala ang dalawang dayuhan na sina American James Riley Grant, 44 na naharang sa NAIA 3 noong December 22 at Australian Gideon Hayes, 52, na dumating naman sa NAIA 1 noong Dec. 20.

Ayon kay Tansingco ang mga pasahero ay ‘di pinayagang makapasok ng Pilipinas alinsunod sa immigration act na nagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhan na nakasuhan at nahatulan sa mga krimen na may kinalaman sa moral turpitude.



“We have noticed an upsurge in the arrival of foreign sex offenders in our ports. Despite published reports of their exclusions they keep coming here but we remain undeterred in our efforts to enforce the law against these unwanted aliens,” sabi ni Tansingco.

Base sa records, si Grant ay isang registered sex offender sa Jacksonville, Florida dahil nahatulan ito sa sex crimes may 25 taon na ang nakakaraan.

Ayon sa tala ng Florida court si Grant ay nahatulan sa two counts of attempted rape in the first and second degree, gayundin sa two counts of taking indecent liberties with children, in the first and second degree.

Samantala si Hayes, ayon sa BI ay nahatulan sa Australia noong September 2004 sa two counts of indecent treatment of children at nakatanggap ng dalawang taon probation sentence.

Dati ng inamin ni Hayes na siya ay nagpapadala ng pera sa mga bata sa Pilipinas na nakilala nya sa kanyang mga nakaraang biyahe at sa online. Sinasabing siya ay nagpupunta sa bansa para makipagkita sa mga menor de edad na nag-aalok ng sexual services.



Sina Grant at Hayes ay kapwa isinama na sa blacklist ng BI. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)