Advertisers

Advertisers

June Mar Fajardo, Sarina Bolden pararangalan sa PSA Awards

0 5

Advertisers

GILAS PILIPINAS center June Mar Fajardo at Filipina striker Sarina Bolden ay pinangalanang Mr. Basketball at Ms.Football,ayon sa pagkakasunod, ng Philippine Sportswriters Association.

Ang 2 star athletes ay igagawad ang kanilang awards sa PSA’s Annual Awards Night sa Enero 29,sa Diamond Hotel.

Ito ang ika-anim na beses sa huling pitong taon na si Fajardo ay nakamit ang Mr. Basketball honors.



Samantala, si Bolden ay napanalunan ang award sa ikalawang sunod-sunod na taon.

Ang dalawang athletes ay malakas ang kampanya sa 2023 na pinamunuan ang kanilang kanya-kanyang teams’ charges sa major international competitions.



Fajardo, 34 ay bahagi ng Gilas Pilipinas squad na mabawi ang gold medal sa 32nd Souteast Asian Games sa Cambodia. Kabilang rin siya sa roster ng bansa para sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Sa Setyembre,malaki ang ginampanan nya sa pag sungkit ng gold medal sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.



Sa PBA,pinalawig ni Fajardo ang kanyang sariling rekord ng masungkit ang ikapitong Most Valuable Player award.

Samantala, si Bolden ang mukha ng Philippine women’s national football team. Siya ang key player sa debut ng Filipinas sa FIFA Women’s Cup 2023, na iniskor ang unang goal ng team sa kumpetisyon na 1-0 stunner laban sa co-host New Zealand.

Bolden ay umiskor ng 12 goals para sa Filipinas sa 2023, para sa kabuoang 28.