Advertisers

Advertisers

Lider ng criminal group at no. 1 most wanted, arestado sa Malabon

0 16

Advertisers

NADAKIP ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang lider ng isang criminal group at numero unong ‘most wanted person’ sa Region 12 sa operasyon sa Malabon City.

Kinilala ni Major General Romeo Caramat, Jr, direkto ng CIDG, ang nadakip na si Ernesto Dumon Salas alyas Estong/Erning/Jem, 48 anyos, na matagal nang nagtatago at nahaharap sa mga kasong murder, double murder at attempted murder.

Ayon kay Caramat, 12:30 ng madaling araw nang madakip ng mga elemento ng CIDG Regional Field Unit -NCR ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa Malabon City.



Si Salas ang lider ng “Salas Criminal Group” na sangkot sa illegal drug trade at gun for hire sa Ozamis City, General Santos City at NCR. Miyembro rin siya ng “Faisal Criminal Group” na nag-operate sa General Santos City ilang taon na ang nakararaan.

Dinala si Salas sa Quirino Memorial Medical Center upang malunasan ang tinamong sugat sa ulo nang tinangka nito tumakas sa pagdaan sa bintana. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">