Advertisers

Advertisers

Kapangyarihan ng Simbahan kailangan kontra People’s Initiative (P.I.)

0 11

Advertisers

HINIHILING ng isa sa mga pumanday ng 1987 Constitution na si Atty. Christian Monsod sa Catholic Bishop Conference of the Philippines na labanan ang People’s Initiative (P.I.).

Hinihiling niyang dapat magsanib-puwersa ang none government organization (NGOs) at parishioners na huwag pumirma sa isang dokumento na umiikot, ang People’s Initiative petition, na sinasabing nagbabayad ng P100 up sa bawat pirma.

Hayagang sinabi ni Monsod, ang House of Representatives ang nasa likod ng P.I. dahil hindi sila makakuha ng kailangang porsiyento ng boto mula sa Senado. Ito raw ay magpapahina sa kapangyarihan ng Senado at magbibigay sa lower house ng full control sa Constitution Assembly. Mismo!



Talagang nakakatakot itong P.I. Sabi nga ng kampo ni ex-President Rody Duterte, hindi makatao ang binabalak ng mga nasa likod ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

Ayon sa dating presidential spokesman ni Duterte na si Atty. Harry Roque, balak ng mga nasa likod ng P.I. na palitan ang gobyerno, gawing Parliamentary, tulad ng ginawa noon ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ama ni Pangulong “Bongbong” Marcos.



Kulang nalang sabihin ni Roque na ayaw nang umalis sa Malakanyang ng Marcos kaya gagawin nito ang lahat na hindi magkaroon ng eleksyon sa 2028. Araguy!

Balak din kasi ng Duterte na bumalik sa Malakanyang sa 2028 sa pamamagitan ni Vice President Sara Duterte-Carpio.



Si Sara ay nangunguna ngayon sa mga survey para sunod na pangulo ng bansa, pagkatapos ng termino ni PBBM.

Isa rin ito sa dahilan kaya all-out ang utol ni Sara na si Congressman Paolo na tutulan ang P.I. Hinihikayat niya ang kanyang mga kababayang Dabawenyo na huwag pirmahan ang P.I. kahit pa alukin sila ng P1K sa bawat pirma.

Nagngingitngit din si Paolo laban sa liderato ng Kamara matapos na tapyasan ang pondo ng kanyang distrito, kungsaan mula sa P2 billion ay ginawa nalang itong P500 million!

Nung ang kanyang ama kasi ang Pangulo ay nag-uumapaw ang grasya ng Davao City, pati ang confidential funds nilang bilyones ay walang kumuwestyon!

Balikan natin ang panawagan ni Monsod sa CBCP at NGOs, kapag nga naman nagsalita ang Simbahan, nakumbinsi ang higit 80 milyong Katoliko, tiyak sa basurahan pupulutin ang P.I nina House Speaker Martin Romualdez tulad ng nangyari noon sa P.I. ng administrasyon Arroyo. Boom!!!

Para naman sa akin, kung may babaguhin man sa kasalukuyang Saligang Batas, ito’y ang bawalan ang mga politiko na magpa-pasa ng kapangyarihan sa miyembro ng kanilang pamilya. ‘Yun bang ipagbawal ang pagtakbo ng asawa o anak pagkatapos ng termino ng isang miyembro ng pamilya. That’s it!

Dahil kung idadaan lang sa panukala ang anti-dynasty bill, malabo itong papasa. You know!

Say n’yo, mga pare’t mare?