Advertisers
Personal na pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang groundbreaking ceremony para opisyal na simulan ang pagtatayo ng dalawang bagong super health center para sa Barangay 168 Deparo at Barangay 171 Bagumbong noong Miyerkules, Enero 10.
Ang mga bagong health center, na itinayo sa pakikipagtulungan ni District 1 Representative Cong. Oca Malapitan, magtatampok ng dalawang palapag na gusali na may mga modernong pasilidad, kabilang ang isang minor surgical room, x-ray room, laboratoryo, at maging ang mga confinement ward.
Inulit ni Mayor Along ang kanyang pangako sa pagbibigay lamang ng pinakamahusay na serbisyo at imprastraktura para sa kanyang mga nasasakupan at tiniyak sa kanila na ang mga pinabuting pasilidad ng mga bagong health center ay ganap na magagamit sa tulong ng City Health Department (CHD).
“Muli po, bilang Ama ng Caloocan ang gusto ko lagi ay ‘yung pinakamaganda lamang para sa aking mga anak. Kaya naman po kahit na mayroon na kayong existing na health center, mas papaunlarin pa natin ito para sa kapakanan ninyo,” wika ni Mayor Along.
“Sisiguraduhin po natin sa tulong ng CHD, araw-araw niyong matatamasa ang kumpletong serbisyo dito sa super health center, lalong-lalo na ang presensya ng mga doktor at mga gamo. Umasa po kayo na marami pang proyekto ang nakahandang ibigay natin sa iba pa nating mga kababayan,” dagdag ni Mayor Malapitan.(BR)