Advertisers

Advertisers

VP SARA PINAAARESTO NG QC RTC!

0 4

Advertisers

NAGLABAS nitong Biyernes, Setyembre 4 ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga kinakaharap nitong kasong grave threats.

Agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ng Bise Presidente na si Atty. Paul Lawrence Lim hinggil sa naturang utos ng hukuman.

Binigyang-diin ni Lim na walang anumang intensyon ang Bise Presidente na tumakas o umiwas sa proseso ng batas sa kabila ng mga usapin ukol sa hurisdiksyon ng korte.



“Regardless of the question on jurisdiction, she has no intention of evading the law and will continue to exercise all her legal remedies,” pahayag ng abogado.

Gagamitin umano ng kampo ni VP Duterte ang lahat ng mga nararapat at magagamit na legal na remedyo upang harapin at sagutin ang mga ipinupukol na usaping legal sa korte.



Lumabas ang bagong usapin sa harap ng nagpapatuloy na impeachment trial laban sa bise presidente.

Ang trial sa impeachment court ay nasa ika-21 araw na noong Miyerkules, Setyembre 2 kung saan isinalang na testigo si dating DepEd Usec. Michael Poa na isa rin sa mga abogado ni Duterte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">