Advertisers

Advertisers

Batas na nagpapalawak sa Tertiary Education subsidy pirmado na ni PBBM

0 9

Advertisers

NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nag-aamyenda sa Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na layong palawakin ang tulong-pinansyal para sa mga estudyante.

Sa ilalim ng bagong batas, higit pang mapalalawak ang Tertiary Education Subsidy para sa mga kwalipikadong mag-aaral, partikular ang mga nagmula sa mahihirap na pamilya.

Kabilang dito ang mga kwalipikadong senior high school graduates mula sa mga pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.



Maaari ring makatanggap ng karagdagang subsidy ang mga estudyante para sa iba pang gastusin na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral.

Ayon sa Pangulo, titiyakin ng pamahalaan na ang mga benepisyo ng batas ay makararating sa mga estudyanteng higit na nangangailangan, lalo na ang mga mula sa mahihirap at kapus-palad na pamilya.



Binigyang-diin din ni Marcos na mananatiling pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon ang edukasyon at ang pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataang Pilipino. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">