Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KAPAG napapanood namin si Alex Gonzaga, naaaliw talaga kami sa kanya. Sobra siyang nakatutuwa.
Nang makipag-collab siya sa YouTube vlog nina Viy Cortez at Cong TV, kung saan guest nila ang gwapong mister niya na si Lipa Councilor Mikee Morada, naaliw na naman kami sa kanya. At si Mikee, nakatutuwa rin dahil game na game na sinagot ang mga nakalolokang tanong ng kanyang misis na si Alex.
Isa nga sa mga napag-usapan sa naturang vlog ay ang pagpaparetoke ni Alex na ibinandera niya kamakailan sa social media.
Diretsahang tanong ni Alex.sa kanyang husband, “Nagustuhan mo ba ‘yung bagong ilong ko?”
Ang mabilis namang sagot ni Mikee ay hindi. Pero mabilis naman niyang nilinaw ang kanyang sagot. Na ang sabi niya, maganda naman daw ang ilong ni Alex pero hindi na kailangang ipagawa pa ito. Truth ang lumabas sa resulta ng lie detector.
Hirit naman ni Viy kay Alex, “So patanggal mo na ngayon.”
Natatawa namang sey ni Mikee, “Okay lang, okay lang, baka lalo pang magkaletse-letse.”
“So letse-letse na itong mukha ko! Sabi, lalo pang magkanda-letse-letse. So sabi, letse-letse na ito,” kunwari’y napipikon nang sabi ni Alex.
Paliwanag naman uli ng kanyang mister, “Ibig kong sabihin, baka lalo pang magulo.”
“So ginulo? Nagpaayos pero sa tingin mo nagulo,” hirit pa ni Alex. Na sinagot uli ni Mikee ng, “Maganda siya, pero hindi kailangan.”
Sumunod na tanong ni Alex kay Mikee, “Masaya ka ba sa boobs ko?”
Oo!” ang agad-agad na sagot ni Mikee.
Reaksyon ni Viy sa sagot ng konsehal, “Yung mga tanong niya (Alex), gusto niya talaga malaman iyan.”
Pero sey ni Mikee, “Hindi naman yan nagma-matter.”
“Truth” uli ang resulta ng lie detector na ibig sabihin, nagsasabi talaga ng totoo si Mikee tungkol sa boobs ng asawa.
Sa pagpaparetoke naman ni Alex ay wala kaming nakikitang masama. Choice niya ‘yun, eh. Maganda naman siya at flawless pa, kaya lang siguro, ang gusto niya ay mas lalo siyang magandang tingnan.
Natanong din ni Alex kay Mikee kung sa tingin ba nito ay isa siyang mabuting asawa, na sinagot naman ni Mikee ng yes. Truth ang lumabas sa lie detector test, pagpapatunay lang ito na totoo ang sinabi ni ni Mikee na isang mabuting wife si Alex.
In fairness naman kasi kay Alex, kahit bising-bisi siya sa kanyang tabaho ay nagagampanan niya nang bonggang-bongga ang obligasyon niya bilang maybahay ni Mikee.
Isa pang tanong ni Alex kay Mikee na nu’ng nakunan daw ba siya ay sinisi o nagalit sa kanya ito, ang sagot ni Mikee ay hindi. Katwiran nito, hindi naman daw kasalanan ni Alex ang mag-miscarriage siya. Truth ang lumabas sa lie-detector test. Dahil doon, sinabihan ni Alex ng I love you si Mikee. At sabi niya, never nga raw talagang pinaramdam nito sa kanya na nagalit ito nang makunan siya.
Sa tanong naman ni Alex na kung naisip ba ni Mikee na maglandi ng ibang babae, ang sagot nito ay hindi. Na nang marinig ang sagot na ‘yun ng asawa, naiiyak na tanong ni Alex rito,”Bakit? Anong meron?”
Truth ang lumabas sa naging sagot ni Mikee. Ibig sabihin, nagsasabi siya ng totoo na hindi siya nag-iisip na maglandi ng ibang babae. Loyal si Mikee kay Alex,’di ba?