Advertisers

Advertisers

Elijah umamin break na sila ni miles; Frankie Pangilinan may chemistry bilang loveteam niya

0 3

Advertisers

Ni Beth Gelena

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Elijah Canlas hindi lang ang pag-amin ng aktor na totoong hiwalay na sila ni Miles Ocampo kung saan 5 taon din umabot ang kanilang relasyon.

Ang pinakamahalagang sinabi niya: mutual at maayos ang breakup. Hindi raw ito dahil sa galit o away, at ayaw niyang ibahagi ang buong detalye bilang respeto kay Miles at sa limang taon nilang relasyon.

Mas masakit daw ang second breakup dahil nang magkabalikan sila, pareho nilang inisip na iyon na ang pagkakataong sila na talaga ang magkakatuluyan. Pero matapos nilang ibigay ang lahat para sa relasyon, pareho nilang napagtanto na baka hindi na talaga sila mag-match.

Wala raw third party involved.

At ang pakiusap niya sa publiko: “Go easy on Miles, go easy on me. Let us heal.”

Napag-usapan din nila Ogie at Elijah ang first teamup ng aktor kay Frankie Pangilinan, ang anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan.

Si Kaki ang leading lady ni Elijah sa pelikulang Edjop, isang pelikulang tungkol kay Edgardo Jopson.

Mag-asawa ang ginagampanan at ito rin ang feature-film debut ni Frankie na nakatakdang ipalabas sa September 16, 2026.

Dahil madalas silang magkasama sa promotion ng pelikula, pabirong sinabi ni Ogie na mabuti na lang at hindi naman nali-link si Elijah sa newbie actress.

Ang sagot ni Elijah, magkakilala na raw sila ni Kaki nang mabuti.

Ibinahagi pa niya ang sinabi ng anak ng megastar, “I feel like I know you more than you know yourself. ”

Komportable na raw sila sa isa’t isa bilang magkatrabaho at magkaibigan, pero nilinaw ni Elijah na magkaibigan lamang sila.

Sabi nga ni Elijah, first time raw niyang gumanap na may asawa sa movie at first time din naman ni Kaki as an actress.

Sa ngayon, trabaho at sarili muna ang gustong pagtuunan ni Elijah.

Kapanapanabik panoorin ang Edjop movie na sa trailer pa lang ay talagang magugustuhan ng manonood.

***

PERSONAL:
Huli man at magaling, naihahabol pa rin!

Kaya naman, kahit medyo late, binabati ko ng Happy 60th Birthday ang aking mahal na kapatid na si Rino Gelena, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong August 30.

Nagbibigay-pugay ako sa iyo, mahal kong kapatid. You’re the best among our siblings. Ang saya ng iyong ika-60 kaarawan, lalo na’t sa kabila ng maraming struggles na iyong pinagdaanan, here you are, kumpleto pa rin kayong pamilya.

I salute you, Nong! You’re a good provider and also a good and very, very, very lovable brother. I never, never forget all the help that you’ve given me.

Ang kabaitan mo ay aking nasaksihan, hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa mga taong nagmamahal sa iyo. I know Nanay and Tatay, who are in heaven, are very proud of your successful and happy life.

Thank you, Bro. Love you so much! I am so grateful that I have a brother like you.
And welcome to the club as a senior citizen!!!
Again, HAPPY, HAPPY BIRTHDAY, MAHAL KONG KAPATID!