Advertisers

Advertisers

Jean Kiley bida na

0 45

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BIDA na ang magaling na events host at actress na si Jean Kiley sa full length buddy-girl comedy film na “Hongkong Kailangan Mo Ako” na idinirek ni Direk Njel de Mesa para sa NDM Studios.

Ayon kay Jean na madalas nagho-host ng presscons sa Viva, opportunity of a lifetime para sa kanya ang mapasama sa obra ng Palanca award-winning filmmaker.



“High school pa lang po ako, kilala ko na si Direk Njel. Umaarte na rin po ako noon sa indie films at nagho-host prior to Viva and thankful ako kasi this is my first maybe mainstream lead role in a film,” ani Jean.

Nang i-pitch din daw sa kanya ang concept ng pelikula ay di na siya nagdalawang-isip lalo na’t isho-shoot ito sa Hongkong at makakapunta siya sa Disneyland.



“Dream ko po talaga ma-experience ang Disneyland kasi lumalabas iyong child in me na adventurous,” paliwanag ni Jean.

Na-enjoy din daw niya ang shoot nila sa Hong Kong lalo na’t habang nagtratrabaho  ay gumagala rin sila.



“First time ko pong ma-experience iyong maggala while shooting, so parang two-in-one. Naikot din po namin ang lahat ng tourist destinations,” lahad niya.

Dagdag pa niya, may blessings din daw ng Viva ang paglabas niya sa NDM Studios.

Sa “Hongkong Kailangan Mo Ako,” gagampanan ni Jean ang papel ni Blair, isang happy-go-lucky, childish at rich girl na kaibigan ni Malory (Mayton Eugenio) na nagyaya sa best friend na magbakasyon sila sa HK.

Gayunpaman, ang kanilang masayang paglalakbay  ay mauudlot dahil sa walang puknat na kamalasan na kanilang mararanasan.

Makaka-relate ang mga byahero nating kababayan sa mga “travel horror stories” na daranasin ng kanilang mga characters. Ipakikita rin dito na kahit anong kamalasan sa byahe, maiibsan ang inis at lumbay basta’t may kasama kang kaibigan at maganda ang mga tanawin.

Gaya nang naunang pelikula na “Must Give Us Pause” na pinagbidahan nina Cheska Ortega at Shaneley Santos, isasali muna nila ang pelikula sa mga film festivals abroad (i.e. Japan, Hong Kong, Singapore, Canada, Dubai, etc.). Matapos nito ay maipalalabas na ito sa mga sinehan dito sa bansa para sa mga excited nating kababayan. Mapapanuod na ang kanilang official international trailer sa official facebook at youtube channels ng NDMstudios Japan at Philippines.