Advertisers
NOONG ika-6 ng Enero, 2024, itinuloy ng Commssion on Elections (Comelec) ang public bidding sa Full Automation System system with Transparency Audit/Count, o FASTTrAC, ang sistema na gagamitin sa automated election system (AES), sa 2025 midterm elections. Layunin ng Comelec na humanap ng kapalit ng Smartmatic na pinaghinalaan na nandaya umano upang palitawin ang ibang resulta sa mga nakalipas na halalan.
Nag-iisang lumahok ang Miru Systems, Co. ng South Korea, ngunit hindi ito ipinahayag ng Comelec na nanalo sa public bidding. Ginamit ang salitang “eligible” sa pagiging mag-isang kalahok. Kung susuriin, hindi sigurado na ang Miru Systems ang mangangasiwa sa susunod na halalan sa 2025. Pasubali ito ng Comelec.
May posibilidad na magkaroon ng bagong public bidding upang makalahok ang ibang election automation firm at mapili ang mas karapat-dapat na ka-partner ng Comelec na magpapatakbo ng programang FASTrAC sa 2025. Maaaring lumahok ang Miru Systems sa bagong bidding.
Dahil sa kakatwang sitwasyon na nag-iisa ang lumahok sa public bidding, may mga pressure sa Comelec na muling magdaos ng public bidding sa programang FASTrAC. Iyong totoong public bidding na nilahukan na iba’t ibang automated election firm na pawang may kakayahan na mangasiwa ng automated elections. Hindi iyong mga kumpanyang nagpapanggap na may karanasan at kaalaman sa AES.
Hindi lumahok ang mga totoong kumpanya na may kasanayan na magpatakbo ng AES dahil sa pangamba na ang panuntunan ng public bidding ay naaayon sa interes ng Smartmatic, ang kompanyang nagpatakbo ng mga halalan mula noong 2010. Hindi nawala ang kanilang takot na babalik ang Smartmatic sa 2025 dahil hindi ito lubos na naitsa-puwera kung pagbabatayan ang mga patakaran ng inilatag ng Comelec.
Hindi namin alam kung batid ito ng Comelec at may pagnanasa palitan ang mga alituntunin sa public bidding upang mapawi ang pangamba sa pagbabalik ng Smartmatic. Hindi papayag ang mga automatic election firm na magamit sila sa anumang nakatagong agenda ng Comelec. Ganito kasimple ang nais ng mga automated election firm.
***
BUMALANDRA sa Comelec ang sitwasyon na tanging ang Miru System ang lumahok sa isang public bidding na ang halaga ay aabot sa P18.3 bilyon. Malaki ang halaga ngunit bakit nag-iisa lang ang Miru Systems? Totoong walang tiwala ang international IT community upang lumahok sa isang proyekto na aabutin ng ganitong kalaking halaga.
Lumayo mga totoong automated election firm na may natatanging track record st kasanayan sa AES sa public bidding. Nagmaang-maangan na may kinalaman sila sa public bidding. Ngunit nagmatyag. Nag-aabang kung may mangyari na kakaiba. Pawang naghihintay sa bagong public bidding. Lalabas na katawa-tawa ang Comelec kung palulusutin ang Miru Systems na hindi kwalipikado magtakda ng AES.
Dito nagsulputan ang mga reklamo kontra Miru. Ayon sa Democracy Watch, ang pandaigdigan na private watchog, pumalpak at hindi maayos ang halalan sa tatlong bansa na hinawakan ng Miru: Iraq, at Congo. Hindi nayos ng Comelec ang kanilang pagsusuri sa Miru Systems.
“We urge the Comelec to give Miru’s track record a thorough once-over as part of its due diligence, as it should with all suppliers. It might want to investigate the company’s alleged links to controversies in Congo and Argentina,” ayon sa Democracy Watch. Mukhang hindi binigyan ng Comelec ng sapat na pansin ang track record ng Miru.
“Such concerns over hacking vulnerabilities and vote manipulation are so grave as to have prompted watchdog groups and independent experts to flag many fatal weaknesses in Miru’s technology publicly,” ayon sa Democracy Watch.
“We trust that the Comelec will raise these issues in the interest of ensuring the integrity of the 2025 elections. We cannot have counting machines failing at such a massive scale, as this would cause political instability in the country.”
***
BATAY isang ulat ng Carter Center, isang kumpanyang think tank ng itinayo ng dating Pangulo Jimmy Carter ng Estados Unidos, pumalpak ang Miru System sa general elections ng Congo noong ika-20 ng Disyembre, 2023. Ito ang sinabi sa buod ng ulat:
”In 24 polling stations, Carter Center observers identified technical problems with electronic voting devices such as depleted batteries, resulting in prolonged periods of inoperability and therefore polling station closure. In 39 cases, observers reported that vot4rs did not have adequate knowledge of the voting procedures, including the use of electronic voting devices. Observers found that 27 polling stations observed were inaccessible for elderly and voters with reduced mobility.”
Tinanggihan ng gobyerno ng Argentina ang Miru Systems na mamahala ng kanilang halalan doon. Dahil sa kapalpakan nila sa Iraq, minarapat ng mga mambabatas ng Argentina na huwag ibigay sa Miru ang AES doon. Sa Iraq, labis na nababahala ang gobyerno doon dahil sa kawalan ng kakayahan na pamahalaan ang halalan doon. Sa huli, bumalik sa manual ang halalan doon dahil nakaya ng Miru ang mangibabaw. Tatalakayin namin iyan sa mga susunod na kolum.
***
PAHAYAG ni Commodore Jay Tarriela, spokesman of the Philippine Coast Guard (PCG) on West Philippine Sea issue.
The issue with engaging in discussions with China is that they persistently adhere to their own narrative, even going so far as to interpret the ruling of the International Tribunal as illegal and invalid. This kind of behavior is concerning for the international community. It is critical for all nations to come together and denounce such interpretations as a direct challenge to the international institutions that uphold peace and order in the world.
China’s imperialistic and ambitious pursuit of control over the entire South China Sea is evident, as they not only disregard the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), but also challenge all international laws that promote and maintain peace. President Xi Jinping sees China’s economic and military growth as a justification to defy and completely disregard international institutions.
***
MGA PILING SALITA: “Bakit ‘bright’ ang mga Intsik kung wala silang ginawa kundi industrial espionage, copyright infringement, at patent violation?” – PL, netizen, kritiko
“Sabi ng kaibigan ko, kinakabahan siya kapag papasok sa supermarket o grocery store kapag P1,000 lang ang pera niya. Ako rin.” – Archie Mendoza, netizen