Advertisers
HINDI bababa sa 48 persons deprived of liberty o PDLs mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang inilipat sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte noong Sabado ng hapon.
Sinabi ni Bureau of Corrections ( BuCor) director general Gregorio Catapang Jr. na 23 sa 48 na inilipat ay mula sa maximum security habang ang iba ay mula sa medium security.
Ayon kay Catapang, ang patuloy na paglilipat ng mga ‘taong pinagkaitan ng kalayaan’ sa NBP patungo sa iba pang operating prison at penal farm sa labas ng Metro Manila ay bahagi nang pagsisikap na i-decongest ang NBP at paghahanda para sa pagsasara ng National penitentiary sa 2028.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa pagbibigay ng suporta sa panahon ng paglilipat ng mga PDL.
Ang paglipat ng mga PDL ay isinagawa noong Biyernes nang pinagsanib na puwersa ng NBP Custodial Force at BuCor SWAT team. (JOJO SADIWA)